CHAPTER 4

31 9 0
                                    

"MA'AM di ba kayo nahihiya na maki sabay samin?" Biglang tanong ng isang medyo batang kasambahay kaya napatigil si Scarlette at Nakahara sa pagsubo ng pagkain at napabaling ang attention sa dalagang kasambahay. "I-i mean po, kasambahay kasi kami... Alam mo na..."

"Ano kaba, Bakit naman kami mahihiya?" Ani ni Scarlette.

"Wag nyo isipin ang bagay na yan. Kapag kaming dalawa ang kasama nyo, kailngan maging comfortable kayo samin." Seryosong sabi ni Hara at nag patuloy sa pagkain.

Nginitian ni Scarlette ang dalagang kasambahay, "Ang bata mo pa ata? At ngayon lang kita nakita rito. Anong pangalan mo?" Usisa ni Scarlette. Ngayon lang kasi niya nakita ang dalagita.

"Ako po si Hande, bago lang po akong kasambahay dito." Mahinhin at malambing ang boses ng dalaga. At isa pa, halatang may lahi ito base sa physical nitong anyo.

"Ganon ba? Ma swerte ka dahil mabait ang amo mo. Except sa anak nilang panganay na parang may regla palagi," Naka ngiwing ani ni Scarlette.

"Sinong may regla palagi?" Malamig na tanong ng kung sino mula sa likod niya. Napansin niya ang gulat at takot sa mukha ng dalaga habang nakatingin sa taong nasa likod ni scarlette.

"Ikaw," Hinarap ni Scarlette ang batang lalaki sa likod niya. "Mag usap tayo Kez." Seryosong sambit ng dalagang si scarlette at hinila paalis doon ang binata.

"What is it tita Scar?" Inis na wika ng bata nang makarating sila sa garden.

"Sinasaktan mo ba siya?"

"Siya? Who?" Pagmaang-maangan ng binata at kinunotan ng nuo si scarlette.

"Alam mo kung sino ang tinukoy ko Kez. Tell me the thruth, did you hurt her or something?" Muling tanong ni Scarlette at seryosong sinalubong ng tingin ang walang expressiong mukha ng binata.

"I won't do that. A-ahmm... Tinakot ko lang siya. But! I promise, I didn't and I won't hurt her!" Mabilis na sabi ng binata at naka taas pa ang dalawang kamay na para bang nanumpa.

"Good, hindi kita pakiki-alaman basta wag lang aabot sa punto na sasaktan mo siya ng physicalan, okay?" Saad ni Scarlette at ginulo ang buhok ng bata.

Hindi sumangot ang binata, bagkus ay inirapan lang siya nito at naunang pumasok sa loob. Napa bugtong hininga si Scarlette at bahagyang napangiti.

She's sure na hindi sasaktan ng binatang si Kez ang dalagang si Hande dahil kapag nangako ang isang hacienterra ay kailangan sundin niya ito. Dahil kung hindi may parusang naka-abang sa kanila.

She knows about that, sa loob ng limang taong nag ta-trabaho siya sa Companya ng boss niya at sumasama kahit saan mag punta ang boss niya ay kabisado na niya ito pati ang buhay at ugali ng pamilyang meron siya. Ngunit sa loob ng limang taon di niya pa nakilala ng personal ang ina nito.

Alam niyang hindi kasali sa trabaho niya na makilala pa sa personal ang ina ng boss niya ngunit may nag udyok lang sa kanya na alamin at kilalanin ang ginang ng personal.

"Nakuhanan mo ba?" Untag nito kay Hara nang makalapit ito sa kanya.

"Yeah, isagawa natin ang DNA agad agad para matapos nato."

"What if positive? Anong gagawin natin? Gawin ba nating pain ang bata?" Tanong ni Hara.

"Of course not! Iinisin lang natin siya bago natin ipakilala sa kanya ang anak niya. Kailangan bago ang malaking pagdiriwang na gaganapin sa susunod na buwan ay nakuha na natin ang result sa DNA ng bata. Perfect timing yon, regalo natin sa kanya," Naka ngising ani ni Scarlette. Napangisi din si Hara at di maitago ang excitement sa mata.

Secretly Loving My Boss (Hacienterra Series 1) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora