Chapter 10

46 5 5
                                    

MULA umaga ay wala kaming pansinan ni Archer. No! Ako lang pala ang hindi siya pinansin. Naiinis lang talaga ako sa sarili ko, it's my fault. Kung bakit ba naman kasi nahulog ako sa kanya. Kung di lang sana ako nahulog ay sana di kami nag aaway ngayon. Para sakin, sumobra naman kasi siya eh, dapat alam niya limit niya. He's always acting sweet and clingy na dapat ay ginagawa niya lang kapag nandyan ang mga kaanak niya. I know na napag usapan namin na kahit na wala ang mga kamag-anak niya ay mag pretend parin kami pero.. Basta. Kainis!

"Miss Ozdemir? Nandiyan po ba si Sir?" Tanong ng isang babae na hangang balikat ang buhok at may cute at makinis na mukha. Galing siya sa accounting department base sa uniform na suot niya. Bawat department kasi ay may sari-sariling uniform para mabilis ma identify kung saang department siya galing.

Walang gana akong tumango at inibagsak ulit ang paningin sa computer na kaharap ko.

"Paki-sabihan mo ang mga employee sa ibang department na kung may papirmahan sila ay pupunta agad sila kay boss. Baka mawala na na naman yan ng ilang taon." Sabi ko at bahagyang umirap. Tumango lang siya at pumasok sa loob ng opisina ni Archer at ilang sandali pa ay agad lumabas.

Sino bang mag tatagal sa loob kung ang atmosphere ng kasama mo ay dinaig pa ang gustong pumatay diba?

Napangisi ako ng may mga empleyadong sunod-sunod na nag si-datingan galing sa iba't ibang department. That's your punishment boss.

DUMATING ang tanghali at napag pasiyahan kong kumain muna. Aalis na sana ako ngunit may isang babaeng nag lakad papalapit sa table ko. Mukha itong model at ang ganda niya, of course. Ngunit mukha siyang mataray at suplada at isa pa, expose na exposed ang cleavage niya.

"Where Zendrielle?" Mataray niyang tanong nang makalapit sa table ko.

"May appointment po ba kayo sa kanya?" Tanong ko at pinag dikit ang mga palad ko.

Sasagot sana siya nang bumukas ang pinto ng opisina ni Archer at lumabas ang hinanap niya doon.

"Baby!" Masayang tawag sa kanya ng babae at agad nag lakad papalapit kay Archer at humalik sa labi nito. Napaiwas ako ng tingin nang makarandam ako ng kirot sa puso ko. Damn! Hindi man lang siya tinulak ni Archer at hinapit pa talaga ang bewang ng babaeng higad naʼto.

Dahil parang hindi ko na nakayanan ang eksena nila ay padabog akong tumayo at nag lakad papunta sa elevator. Bago tuluyang sumara ang elevator ay nagsalubong ang tingin namin ni Archer. Walang emosyon ang mukhang tiningnan ko siya at inirapan. I can't take this anymore! Ang sikip sa dibdib pero pano ba yan? Wala akong karapatan eh. Fake girlfriend lang naman ako kaya di ko siya pwedeng pigilan sa gusto niya.

Nang makababa ako ay dumeritso ako sa pinaka malapit na cafè at doon napag pasyahang tumambay. Buti nalang at okay lang para sa kanilaa ang tumambay rito. Umupo ako sa spot na kung saan ay kitang kita ang mga dumadaang sasakyan.

Tumingin langa ako sa mga nag daan-daang sasakyan at nag muni-muni nang biglang tumunog ang cellphone ko.

Agad ko iyong sinagot nang makitang si mama iyon. "Hello ma?"

"Ate? Si mama sinugod namin sa hospital kani-kanina lang." Umiyak na sambit ng kapatid ko kaya napatayo ako dahil sa gulat at hindi inalintana ang mga taong tumingin sakin.

"Bakit? Anong nanyari?" May pag-alala kong tanong. Tumambol ng malakas ang puso ko at anumang oras ay parang gusto ko nalang umiyak.

"Nagka heart attack ate. Nakita ata crush niya kanina."

"Umayos ka Jen! Nag alala ako! Kamusta na si mama? Okay lang ba siya?"

"Pasensya na kung pinag-alala kita ate. Oo maayos na ang lagay niya. Nawalan daw siya ng malay dahil nasobrahan sa trabaho ang katawan niya at di kinaya." Napaupo ako pabalik sa upuan ko nang marinig ang sagot ng kapatid ko at napahilot sa sintado ko.

Yayımlanan bölümlerin sonuna geldiniz.

⏰ Son güncelleme: Apr 27 ⏰

Yeni bölümlerden haberdar olmak için bu hikayeyi Kütüphanenize ekleyin!

Secretly Loving My Boss (Hacienterra Series 1) Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin