CHAPTER 5

33 10 0
                                    

"I SUGGEST na kapag dumating na talaga ang result bago natin sabihan ang bata." Sabi ko at sumimsim ng alak.

"Scar, Mas mabuting sabihan natin o kumbinsihin ng maaga ang bata. Kasi kapag dumating na ang result bago pa natin sasabihin, siguradong magugulat ang bata. Kaya mas better na i open up na natin sa kanya." Napatango-tango ako sa sinabi ni Hara. Sabagay.

"Oo nga 'no? Tama ka. Sege, for now ang isipin muna natin ay ang na receive kong invitation mula kay ate Zianna."

"Anong meron doon? Bakit parang na-problema ka tungkol sa papalapit nilang kasal?" Naka kunot noong usisa ni Hara.

"Hindi, kasi naman sa May 8 na tapos wala pa akong susuotin." Napahawak siya sa kanyang noo habang nakatingin sa kin ng di makapaniwala na para bang ako ang may pinaka bobong sinabi.

"What?" Tinaasan ko siya ng kilay at muling lumagok ng alak.

"What? As in Amityville Scarlette Ozdemir?! Yan ang pino-problema mo?" Di makapaniwala niyang tanong at napa sabunot pa sa kanyang buhok.

"Oh? Bakit?"

"Damn it!" Humalakhak siya ng malakas at lumusog sa swimming pool. Nandito kasi kaming dalawa sa mansion ni Archer since lingo naman ngayon at walang trabaho kaya napag pasiyahan namin na mag inom at pag usapan ang magiging plano.

Plano sana namin na mag bar pero napag pasiyahan nalang namin na rito nalang.

Tumayo din ako at hinubad ang suot kong ruba at lumusog sa pool. Naka suot lamang ako maroon Vintage Swimsuit.

Hangang Sa tabi lang ako ng pool dahil nahihilo na ako at nanlalabo na din ang paningin ko dulot ng marami kong nainom na alak. Mga dalawang oras na yata kaming nag inuman ni Hara habang nag uusap kaya sinong hindi malasing, diba?

Lumangoy palalapit sa akin si Hara at bumulong ng mahina. "Hindi ko alam na magka kilala pala silang dalawa," Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Nag signal siya gamit ang kanyang mata sa isang dereksyon. Titingin sana ako doon ngunit pinigilan niya ako, "Wag kang lilingon at pahalata. The boys are watching us."

Napataas ang kilay ko at napangisi dahil sa naisip na kalokuhan. "Let's play?" Nakangisi kong ani at pasimpleng umikot at maingat na tumingin sa direksiyon nila Archer upang di niya makita na nakatingin ako sa kanya.

Dahil sa dulot ng alak ay lumusog ako at agad ring umahon. Pagka ahon ko ay sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri ko.

"Hey Angel papasok muna ako. Nahihilo na kasi ako eh." Paalam ko kay Hara at pa suray-suray na nag lakad. Nag kunyari pa akong muntik mahulog sa pool at buti nalang na balance ko ang katawan ko. Napangisi ako ng palihim makita ang reaction ni Archer at kung paano siya nag madaling bumaba mula sa second floor.

Di na ako nag abalang mag suot ng roba papasok sa loob. Wala akong paki-alam kung basa ako. Dulot ng alak.

Nakasalubong ko siya sa hagdan kaya nginitian ko siya at tiningnan sa mata. "Hey boss.." Napa subsub ako sa dibdib niya nang muntik na akong matumba. Tumingin ako ulit sa kanyang mga mata. Mapungay ang mga iyon at napansin ko na ilang beses na siyang napalunok.

"Damn! Inom inom ka tapos kapag nalasing..."

"Ano? Bakit di mo tinuloy sinabi mo? Takot kaba sakin?" Nakanguso kong sabi at mas dumikit pa sa kanya.

"Yes, I'm afraid to you. You're dangerous miss seductive." Di ko maintindihan ang sinabi niya dahil papikit pikit na ako habang sinisinghot-singhot siya.

"Ang bango mo boss." Humagikhik kong sabi.

"Yeah, I know." Ani niya at walang sabing binuhat ako. "Mag bihis kana dahil baka magka sakit ka. Di kapa talaga nag suot ng roba."

Secretly Loving My Boss (Hacienterra Series 1) Where stories live. Discover now