CHAPTER 7

31 9 0
                                    

SA ARAW na ito na ang kasal nila Zianna at Leighton Forbes na pinsan ni Archer kung saan imbitado si Scarlette at Archer.

Noong naka-raang linggo ay puro trabaho lang sila. At ang pinag-usapan nila ni Hara na sasabihan ang bata tungkol sa mga magulang nito ay natapos na nila.

"Boss? Aalis na tayo!"Tawag ni Scarlette kay Archer. Ang tagal kasi nitong matapos mag bihis.

"Fuck! Amy! Help!"Sigaw ni Archer habang nag lakad papaba hawak-hawak ang necktie nito."I'm trying how to fix it! Pero hindi talaga ako marunong!"Parang batang maktol nito nang makalapit kay Scarlette at bahagya pang nakanguso.

"Ayan kasi... Nasanay kang ako lagi ang nag aayos sa necktie mo."Pangangaral ni Scarlette ngunit mas lalo lang humaba ang nguso ng binata kaya pinitik niya ang nguso nito.

"Aray! Grabe ka naman mommy!"Ani nito at nag kunyari lang umiyak.

"Wag mo akong ma mommy-mommy Archer. Tara na."Wika ni scarlette at nauna nang lumabas. Agad namang sumunod si Archer at pinag buksan si scarlette ng pintuan ng sasakyan kaya agad itong pumasok pagkatapos ay agad namang umikot si Archer papunta sa driver's seat.

"Ngayong araw na tayo mag sisimula mommy."Saad ni Archer nang makapasok sa loob ng sasakyan. Pina andar nito ang sasakyan at agad pinaharot papunta sa simbahan kung saan gaganapin ang kasal.

Hindi sinagot ni scarlette si Archer at tumingin lang siya sa binata.

I hope everything will be okay. Sana sa larong ito, hindi agad ako matalo kahit ang totoo ay talo na naman talaga ako.

"Baby? Galit ka ba kasi tinawag kitang mommy?"Archer ask kaya napaharap siya sa binata na ngayon ay nakanguso at malungkot na sumusulyap sa kanya. Oh my heart. Tinawag ka lang na baby grabe kana maka react?

"N-no. I mean, hindi naman. Bakit?"

"Kasi hindi mo ako pinansin."Mas humaba ang nguso nito at kinuha ang kamay ni scarlette. Para siyang kinor-yente dahil sa paghawak nito sa kamay niya at pag dampi ng labi nito sa likod ng palad niya. Lumakas ang tibok ng puso niya dahil sa ginawa ng lalaki.

How I couldn't fall kung ganito siya? Simpleng galaw lang nag wawala na ang puso ko. Ano na kaya kung sobra pa doon? Damn!

Kastigo niya sa kanyang sarili.

"Nandoon ba ang mommy mo? I mean, pupunta ba siya?"Pa iba nito sa usapan.

"Of course. Lahat ng relatives and business partner nila."Kumabog nang malakas ang puso ng dalaga nang marinig ang sinabi ng binata.

Kung alam ko lang, edi sana di na ako nag tanong. Parang himatayin ata ako ng maaga nito eh.

"W-what the? Mag hanap ka nalang kaya ng iba na pwedeng mag pretend as girlfriend mo boss?"Kinakabahang ani ni Scarlette at inagaw mula kay Archer ang kamay niya.

Napakunot ang noo ng binata at bahagyang lumingon sa kanya."What? Why?"

"Kinabahan ako Archer. At isa pa, baka ayaw nila sakin. You know, secretary moʼko tapo boss kita, diba?"

Gumaan ang pakiramdam niya nang marinig ang mahinang tawa ng binata. His laugh is sexy. "They're not like that baby, okay? Pinapahanap lang nila ako ng girlfriend pero hindi sila masama at hindi sila judgemental. Mabait mga lahi ko baby."Para siyang nabunutan ng tinik dahil sa sinabi ng binata."You just need to be yourself. Ayaw nila sa plastic."

"So, kung gusto kong sapakin ka, okay lang?"Inosente niyang tanong kaya napahalakhak ang binata. Damn! My cute secretary is thug.

"If you want, then you can."Nakangising saad ng binata ay pinarada ang sasakyan sa labas ng simbahan.

Secretly Loving My Boss (Hacienterra Series 1) Where stories live. Discover now