Chapter 35

26 0 0
                                    

Chapter 35

LIGAYA'S POV

Napa tigil na lang ako sa aking ginagawa nang mapansin na lang si Dakila na palabas pa lang silid namin. Pantalon na maong ang kanyang suot at t-shirt na itim sa pang-itaas naman, na ako'y mataranta lamang na makita itong mukhang paalis na.

Dali-dali ko naman na iniwan saglit ang pag huhugas ko nang pinggan at pag katapon pinunasan na lang ang aking kamay gamit ng malinis kong damit para maalis ang pag kabasa no'n. Kinuha ko na lang ang hinanda kong pabaon na tanghalian kay Dakila na naka patong lamang sa ibabaw nang lamesa at lumapit sakanya.

"Sandali lamang, mahal." Tawag ko na lang sakanya na kina-hinto niya naman sa pag lalakad. Huminto na ako sa harapan ni Dakila at inabot na lamang sakanya ang katamtaman lamang na supot ng hinanda kong ulam at kanin. Naka ayos iyon sa pag kakabalot kaya't hindi basta-basta matatapon ang laman. "Aalis kana? Pinag handaan kita ng mababaon mo para mamayang tanghalian."

Tinignan na lang ni Dakila ang supot na hawak ko at sabay kinuha sa kamay ko.

"Maraming salamat mahal. Sobrang bango naman ng niluto mo, lalo tuloy akong natatakam nang husto na kainin na ito." Tumingin na lang si Dakila sa naka balot na pinahanda ko sakanya na lumalabas at nanunuot talaga sa iyong ilong ang masarap na amo'y nito na nakaka gutom. "Uubusin ko itong hinanda mo, mamaya."

"Sige mahal."

"Ang luto mo lang mahal ang pinaka masarap na aking natikman, na parati kong hinahanap-hanap talaga.. Panigurado kahit malayo ako, hinding-hindi ko makakalimutan sa lahat ang mga luto mo." Puri na lang nito.

"Palabiro ka talaga." Uminit na lang ang mag kabilang pisngi ko sa mga banat nito at hinawakan na lang siya sa kamay. "Siya, at baka ikay matanghali pa sa iyong trabaho mo."

"Ahh." Natigilan na lang ako na ngayo'y napa pikit na si Dakila na para bang nasasaktan siya.

"Bakit, mahal?" Nag aalala ko na lang na tanong na ngayo'y kinukusot niya nang mahina lamang ang kanyang kaliwang mata gamit ang kanyang palad na napuwing ito.

"Parang may naka pasok na buhangin sa mata ko mahal." Anito na lamang na kinusot pa lalo ang mata at hindi na masyado niyang maidlat iyon. Nag aalala naman akong lumapit sakanya para tignan at masuri ang kanyang mata.

"Huwag mong kusutin masyado at baka mamula iyan." Wika ko na lamang na hinawakan na lang ang kanyang pisngi at nilapit ko ang mukha sakanya para makita kong may naka pasok nga ba talaga.

"Masakit eh." Anito na lang na hindi niya magawang idilat ang isa niyang mata.

"Hihipan ko na lang para mawala." Wika ko na lang dahil iyon naman ang naisip ko kaagad na paraan na maalis ang naka pasok sa kanyang mata sa pamamaraan lamang ng pag hipan no'n. Hindi naman gaano iyon gumagana sa iba, pero baka lang naman maalis kay Dakila.

Pinosisyon ko na ang mukha ko patapat kay Dakila at hinipan na lng ang kanyang mata nang mahina at dahan-dahan na paraan.

"Huwag mong igalaw ang mukha mo, maha——-" hindi ko na lang naituloy ang anumang sasabihin ko nilapit ko ang labi ko sa kanyang mata, na bigla na lang siya mag nakaw nang halik sa aking labi.

Nanigas na lang ang katawan ko sa kanyang ginawa sa gulat at hindi makapaniwala sa pag halik niya sa akin nang mabilis. Kumalabog na nang malakas ang aking dibdib sa kilig at hindi maipaliwanag na dahilan na kina-layo naman ni Dakila ang sarili niya sa akin nang konti at ngayo'y naidilat niya na ang kanyang mata na hindi niya maimulat kanina.

Huh?
Nakaka dilat siya?
Eh, akala ko napuwing lang siya?
Ano iyon?

Takang-taka ako nang husto at doon naging malinaw sa akin, na hindi naman talaga totong may naka pasok sa kanyang mata na buhangin.

Hunk Series 4: Damian Garcia (ON-GOING)Where stories live. Discover now