Chapter 39

31 1 0
                                    


Chapter 39

LIGAYA'S POV

Dapit alas otso pa lang nang umaga, mag isa kong binabaybay ang daan papunta sa bayan. Sa kabila ko naman na kamay, hawak ang basket laman ng aking ititinda na mga kakanin at hindi ko na napansin ang pag bati ng ilang mga nakaka salubong ko sa daan dahil lamang napaka lalim ng aking iniisip.

Nakapako lamang ang isipan ko sa kawalan, at hanggang ngayon bumabagabag pa rin sa aking isipan kong ano ang narinig ko kagabi.

Tunog ng pag bukas ng pintuan.
Tunog ng yabag ng paa papasok sa loob ng balay namin.

Sa tuwing naalala ko ang tunog ng yabag ng paa at pag bukas nang pintuan, pinaninindigan kaagad ako ng balahibo sa katawan. May kong anong nanunuot sa aking kalamanan na takot ng sandaling iyon.

Hindi ako pwedeng mag kamali, alam ko sa sarili ko kung ano ang mga narinig ko.

Totoo ang lahat ng iyon at hindi lamang guni-guni iyon.

Napaka likot na ng aking mga mata na nabahiran ng takot iyon at hindi ko na lamang namalayan na sobrang diin na pala ang pag kakakagat ko sa ibabang labi, sa labis na kakaisip.

Kong hindi si Dakila iyon, sino iyon?
May nag panggahas na may pumasok sa balay namin?
Pero sino naman?
Sino siya?

"Magandang umaga, Ligaya." napukaw na lamang ang malalim kong iniisip na sumulpot na lamang sa harapan ko ang naka ngiting si Makisig.

Abot-taenga na ang matamis na ngiti sa kanyang labi na ako'y mapa kurap naman ng mata. Akmang lilihis na dadaan ako sa gilid niya na kaagad naman akong napa tigil muli na humarang na naman siya sa dinaraanan ko.

Sumimanggot na lang ako bilang tugon kong gaano ako naiinis sa pag harang niya na naman sa akin.

"Hindi mo ba ako babatiin pabalik na magandang umaga rin, Ligaya?" mahangin na wika nitong hindi man lang ako natutuwa sakanya. "Oh bakit, naka simanggot ka diyan? Hindi ka ba natutuwa na makita ako?"

"Hindi," matabang na sagot ko naman na unti-unting napawi ang matamis na ngiti sa kanyang labi. "Ano na naman ba ito Makisig, akala ko malinaw na ang napag usapan natin na hindi mo na ako guguluhin. Ano na naman ito?" mababa ko na lamang na tinig at ayaw kong masira ang araw ko nang dahil lang sakanya.

"Oo tama ka nga, titigil na ako sa pangungulit sa'yo," anito. "Baka naman nakaka-limutan mo Ligaya na malalapit ako sa lahat ng mga Ka-Nayon natin na kahit sino binabati at nilalapitan ko. At isa pa, hindi ba'y mag kaibigan na tayo? Wala naman sigurong masama kung paminsan-minsan lapitan at kausapin kita.. Sandali lang, mukhang hindi ata maaliwalas ang mukha mo ngayon." puna na lang nitong mapa titig na lang ako sakanya.

"Wala naman at tyaka, hindi kasi ako naka tulog nang maayos kagab----" pinutol na nito ang anumang sasabihin ko nang mag salita siya.

"Nag palit kana pala ng kasuotan ngayon, Ligaya," puna na lang nito na hindi inaalis ang mata ko sa aking kasuotan. Ha? Ano daw? "Hinubad mo na pala ang suot mong tube na kahel na suot mo, bagay na bagay pa naman iyon sa'yo." maka hulugang tinig na lang nito na kumalabog naman ang aking puso sa katagang sinabi niya.

Namilog na lang ang mata ko at gumuhit na lang ang pag tataka at gulat sa kanyang sinabi.
Paano?
Paano niya nalaman na suot ko iyon?

Hindi ko alam kong bakit may kakaibang impact sa aking dibdib ang kanyang sinabi pero ito lang ang nakaka siguro ako, may alam siya.

Alam niya ang suot ko.

"Huh?" napa kurap ko na lang na tinig. "Paano mo na laman na iyon ang suot ko kagabi, Makisig? Eh, hindi naman na ako lumabas ng aming balay no'ng suotin ko ang pang bahay na damit ko." tinig ko na lamang na pilit na hinuhuli ang titig niya subalit, umiiwas siya.

Hunk Series 4: Damian Garcia (ON-GOING)Kde žijí příběhy. Začni objevovat