Chapter 43

16 0 0
                                    

CHAPTER 43

LIGAYA'S POV

"M-Makisig," mahinang tawag ko na lang. Hindi ko mawari kong bakit yumakap na lang ang matinding takot at kilabot na makita ko siya.

Makisig?

Anong ginagawa niya dito?

"A-Anong ginagawa mo dito?" mahinang tanong ko na lamang na tumingin ako sa kaliwa't-kanan ko para tignan kong nandiyan na ba si Dakila, na pinag hinaan naman ako nang husto na mapag alaman kong wala pa rin siya.

Nakita ko naman ang pag sunod ng mata sa akin ni Makisig at hindi ako naging komportable sa paraan na mata kong paano niya ako titigan ngayon.

Ang kanyang mata'y tila may gustong ipahiwatig.
Matang umaapoy sa pag nanasa.
At matang kay lagkit at, hinuhubaran ako sa paraan na pag titig niya sa akin na kilabutan pa ako lalo.

Napa lunok na lang ako ng sarili kong laway, at pinang lumuhan ako nang husto na bumalik sa ala-ala ko ang mga sinabi sa akin ni Marikit kanina.

Mga sinabi na mag bigay takot at pangamba sa akin lalo't nakita niyang sinusundan ako nang palihim ni Makisig.

Iniisip ko pa lang ang bagay na iyon, kinikilabutan na ako nang husto at aaminin kong natakot ako para sa sarili ko, lalo't iba ang paraan ng kilos at inaakto niya ngayon.

"Wala naman Ligaya," preskong pag kakasabi nito. "Mukhang mag-isa ka lang ata ngayon Ligaya at wala kang kasama," pasilip-silip pa si Makisig sa loob ng aming balay at para bang may tinitignan siya doon.

"H-Hindi, kasama ko si Dakila sa loob," pag sisinunggaling ko na lang sakanya dahil kahit ako mismo iba na ang kutob ko. Hindi ko na rin matiis ang paraan ng titig niya sa akin na para bang may binabalak siyang, hindi ko mawari. "S-Sige na at papasok na ako sa loob Makisig, at hinahanap na ako ni Dakila at kakain na kami ng aming hapunan." pag dadahilan ko na lamang dahil kahit ako mismo, natatakot na sa kanyang presinsiya.

Hinawakan ko na ang pintuan at akmang sasaraduhan iyon, subalit nagulat na lang ako na hinarang ni Makisig ang paa niya sa pintuan na kumalabog na lang ng mabilis ang dibdib ko.

Sunod-sunod na lang akong napa lunok ng laway na umiba ang timpla ng mukha ni Makisig, na mas lalo siyang nakaka takot ngayon.

"Makisig," mahinang tinig ko na lang at hindi ko pinahalata ang namumuong takot sa dibdib ko.

"Sandali lang Ligaya," awat na lamang nito na nilapit pa niya ang sarili niya sa pintuan, na kina bigat naman ng pag hingga ko. "Hindi mo ba ako papasukin man lang? Akala ko ba mag kaibigan na tayong dalawa, hindi mo man lang ba ako aayain na saluhan kayo sa inyong hapunan?"

"Ahh e-eh," nauutal kong tinig na kahit ako mismo hindi ko na alam ang sasabihin ko, lalo't kahit ako ayaw ko na siyang makita pa. Tinignan ko na lamang si Makisig at nakikita ko sa kanyang sarili na ayaw niya pang umalis. Ang kanyang mga mata naman animo'y may nag lalaro na plano sana alam ko sa sarili kong, hindi ko magugustuhan. "Sa susunod na lang siguro Makisig, siya at papanhik na ako sa loo-----" hindi ko na natapos ang anumang sasabihin ko na nagulat na lang ako na pabalang na lang tinulak ni Makisig ang pintuan nang kay lakas kaya't lumuwag na lang ang pag kakabukas ng pintuan.

Kulang na lang mapa talon ako sa malakas na tunog ng pintuan na mamuhay pa lalo ang takot para sa sarili ko.

Narinig ko rin ang mabibigat na yabag ng paa niya, papasok ng balay namin na mag panuot ng kilabot at takot sa aking kalamnan kaya't wala sa sariling napa atras na lang ako nang paa ko.

Bigla akong natakot sa kanyang presinsiya kaya't ginawa ko na lang ang umatras nang umatras palayo sakanya.

"Ano ba, Makisig! Ano bang ginagawa mo?" matapang ko na lang na asik at patuloy pa rin siyang lumalapit. "Umalis kana, makisig. Ano ba!" pag tataboy ko sakanya na imbes na sumunod pinakita niya na lang ang makapanindig balahibo niyang ngisi sa labi.

Hunk Series 4: Damian Garcia (ON-GOING)Where stories live. Discover now