Chapter 44

26 1 0
                                    

Chapter 44

LIGAYA'S POV

"D-Dakila," iyan na lang ang nasambit ko na naka tingin sa madilim at nakaka takot niyang mga mata.

Bigla kaagad ako nangilabot na hanggang ngayon hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ni Makisig na hawak-hawak niya pa rin at pinapatay niya ito sa talim at sama kong paano tignan.

Mariin na lang ako napa lunok ng laway at namumuo na ang tensyon sa pagitan nilang dalawa lalo't si Makisig walang kibo pa rin ngunit nakikipag kompitensiyahan ito ng matalim na tingin kay Dakila, na animo'y nakikipag laro ito sa paraan na titig nito.

Dumaplis na lang ang malamig na pawis sa aking noo na napako na lang ang tingin kay Dakila sa huling pag kakataon ngunit, walang bahid na emosyon siyang pinapakita. Kay talim ng titig niya kay Makisig na nag papahiwatig na hindi niya nagustuhan kong ano man ang kanyang nasaksihan.

Ngayon ko lang nakita na magalit ng ganito si Dakila na mas nakaka kilabot ang kanyang itsura. Ilang beses ko na siyang nasaksihan na magalit subalit iba ito ngayon. Mas nakaka takot siya, na para bang napaka bangis niyang nilalang na handang pumatay ng tao na kanyang nanaisin.

"Dakila," mapag larong ngisi sa labi na lang na naiwika ni Makisig, wala siyang takot na naramdaman sa tagos na paraan na titig sakanya nito. "Kahanga-hanga hindi ko inaasahan na darating ka, hindi mo tuloy naabutan ang ginawa ko sa asawa mo." pinakita na lang ang pilyong ngisi sa labi.

Kina-lingon ko naman si Dakila na walang kibo sa sinabi ni Makisig, na naging slow-motion lamang ang pag galaw ng kanyang ulo at binaling niya ang tingin niya sa akin. Napa kurap na lang ako ng aking mata na mag tagpo ang titig naming dalawa at wala akong nakuhang anumang emosyon doon kundi napaka lamig lamang.

Pinanindigan ako ng balahibo sa katawan sa malamig na emosyon at kay dilim ng aura nito na kahit ako mismo natakot na rin lalo't ibang-iba na siya ngayon.

Umigting na lang ang panga ni Dakila at binalik niya ang tingin kay Makisig at sumukli na lang siya ng mapanganib na ngisi sa labi nito.

"Nakita ko nga ang ginawa mo sa asawa ko." Gumuguhit na lang ang lamig na tono nito na kina-kunot naman ng noo ni Makisig, hindi niya lubusang akalian na magiging kalmado ito matapos ng mga naabutan niya.
Umayos na lang ng tindig si Dakila at hindi inaalis ang mata kay Makisig. "Ngayon, ako naman ang maniningil sa'yo!" Sa isang iglap naging maging mabangis ang mata nito.

"Tangina mo talaga." Tumaas ng konti ang tinig ni Makisig at naka handa na ang isa niyang kamao na itatama sa mukha ni Dakila at parang kisap-mata kabilis ang kanyang atake subalit, hindi nito inaasahan na napa ungol na lamang siya sa sakit na walang kahirap-hirap na pinilipit ni Dakila ang kamao na hawak nito. "Ahh tangina!"

Umalingawngaw na lamang ang malakas nitong sigaw sa loob ng aming balay, na mamula na ang mukha nito na nanunuot sa kanyang laman ang kirot.

Napaka lamig lamang ang mata ni Dakila, na naka hawak pa rin sa kamao na kahit hindi naman masyado malakas ang pag kakapilipit niya doon na labis naman itong nasasaktan.

Pinag halong galit at sakit ang mukha ni Makisig, na pilit niyang binabawi ang kamao sa pag kakahawak nito subalit gamitan niya man nang lakas at pwersa, may kong anong enerhiya na hindi niya mabawi iyon.

"Ahh." Pinilig na lang ni Makisig ang kanyang ulo na nasasaktan na ito nang husto na hanggang ngayon kinikilos ni Dakila ang kamay na pinilipit pa rin ito kaya't lumabas na lang ang ugat sa kanyang leeg. Kumalampag na lang ang katawan ni Makisig na hindi na matiis ang sakit at kirot lamang na nanunuot sa kanyang laman. "Hayop ka talaga, Dakila! Hayop ka!" Matinis na mura nito sa sakit na kay talim na pinukulan niyang titig dito subalit si Dakila kalmado lamang na animo'y nakikipag laro lamang dito.

Hunk Series 4: Damian Garcia (ON-GOING)Where stories live. Discover now