Chapter 42

16 0 0
                                    

Chapter 42

LIGAYA'S POV

Mag kasalo kaming dalawa ni Dakila na kumakain nang almusal sa hapag-kainan. Naka lapag na sa lamesa ang niluto kong prinitong itlog at nilabas ko rin ang tira naming ulam kagabi.
Naamo'y ko rin ang mabangong aroma ng kape na mag pakalam pa lalo ng gutom sa akin.

Mabagal lamang ang paraan ng pag subo ko ng pag kain at hindi ko maiwasan na pasimpleng sulyapan ng tingin si Dakila. Napaka seryoso ng kanyang mukha habang kumakain at kanina pa itong walang kibo simula no'ng maupo siya sa harapan ko.

Medyo basa-basa pa ang kanyang buhok, na kaliligo lamang subalit bagay naman sakanya ang medyo wet look na itsura.

Simple lamang ang suot niyang t-shirt na damit at pang ibaba naman na kasuotan, ay ang pantalon na maong na handang-handa na siya sa pag pasok sa trabaho.

Hindi ko mawari, kong bakit parang magnet na lang ang titig ko, na hindi maalis-alis ang mata ko sa masungit na expression na pinapakita. Sarap na sarap naman akong pinag mamasdan ang guwapo niyang mukha at kahit ang galaw at kilos niya gusto ko na lang panuorin.

Hindi ko na alam, kong ilang segundo napako na lang ang titig ko sakanya na napa tulala na lang ako. Nang mapansin siguro ni Dakila na may matang kanina pa naka masid sakanya kaya't dahan-dahan naman siyang napa anggat ng mukha at sakto naman na mag salubong na lang ang titig naming dalawa.

Binigyan na lang ako ni Dakila ng malamlam at malamig na emosyon, na animo'y hini-higop niya ako sa paraan na nag aakit na titig nito.

Sa labis na pag kataranta ko naman, umiwas na lang ako ng titig at ramdam ko naman ang pangangamatis ng mukha ko sa hiya.

Paktay!
Nahuli niya akong, naka tingin sakanya.





"Bakit, ganiyan mo ako titigan mahal?" Ang malagong niya na lamang na tanong ang mag pa pikit ng mariin sa akin. Kainis naman.

Ganun, na ba kahalata ang malagkit kong titig sakanya?

"Hindi a-ah." Depensa ko na lamang na kahit ako mismo, wala nang lakas na salubongin siya ng tingin.

Grabe, Ligaya huling-huli kana pero ang lakas mo pa talagang mag deny ah?

Kinagat ko na lang ang ibaba kong labi at ramdam ko na ang pag lamig ng palad ko na ngayo'y nakikita ko sa gilid ng mata ko ang pag sunod niya ng tingin sa akin.

Ang pag ngisi niya lamang, ang mag bigay kaba sa akin na animo'y hindi siya kumbinsado sa anumang sinabi ko.

Ano ba,
Maniwala ka naman, Dakila.

"Hindi daw, pero sobrang lagkit ng mga titig mo kanina," napa-anggat na lang siya ng labi at umayos na naupo sa upuan.

"Sa iba kaya ako naka tingin, at hindi sa'yo." giit ko na lamang na hindi mag papatalo sakanya.

Lumawak na lamang ang ngisi sa labi ni Dakila, na ako'y palambutan naman ng mga tuhod na makita lamang ang ngisi nitong nakaka-bighani.

Aba, huwag kang ngumi-ngiti sa akin ng ganiyan, Dakila.
Sabi nang huwag kang ngumiti, at ako'y naakit.

Ewan ko ba, kong bakit may ibang dating sa akin ang kakaiba niyang ngisi, na gusto ko na lang iyon pag masdan. Minsan lang siya ngumiti kaya't para naman sa akin, nakaka gulat at parang achievement na para sa akin ang mag ganun siya.

"Sabi mo eh." kibit-balikat na lamang nitong tinig. Binaling na lang ang atensyon ni Dakila sa tasa ng kape na naka lapag sa lamesa at kinuha niya iyon. Sumunod naman ang tingin ko sakanya na ngayo'y sinimsim niya ang laman no'n kaya't binaling ko naman ang atensyon ko sa pag tapos na lang ng kinakain ko.

Hunk Series 4: Damian Garcia (ON-GOING)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن