Chapter 38

19 1 0
                                    

Chapter 38

WARNING: RATED-18

LIGAYA'S POV

Nagising na lang ako sa sinag ng araw na tumama sa aking mata. Uminggos na lang ako sa pag kakahiga at minulat ko na lang ang mga mata ko, na ngayo'y naka sandal ang aking ulo sa malapad na dibdib ni Dakila na kasalukuyan kong ginagawang unan ngayon. Samantala naman ang kamay niya naman naka pulupot sa maliit kong baywang.

Tuminggala na lang ako para silipin si Dakila na ngayo'y mahimbing pa rin na natutulog at hindi ko mapigilan ang aking sarili na panuorin siya ng palihim, na napaka gaan ng kanyang aura at pa siyang gumuwapo lalo.

Hindi ko mapigilan ang aking sarili na sumilay na lang ang matamis na ngiti sa aking labi, na ngayo'y mag katabi kami sa kama at sandaling maalala ko ang mainit na tagpo kagabi.

Mainit na tagpo na pinag saluhan namin pareho sa kama at sandaling nag-isa ang aming katawan na inaangkin niya ako.

May anong kilig at saya akong naramdaman na maalala ang mainit niyang haplos at halik sa akin, na pinaramdam niya sa akin na puno ng inggat at tila ba'y ligtas ako sa tabi niya.

Nanunuot sa aking balat ang malamig na simo'y ng hangin na pumapasok sa loob ng aming silid, na nag mumula sa bintana na tanging naka takip lamang sa aming kahubaran ang kumot.

Hindi ko na namalayan ang sarili ko, na ilang minuto na naka pako ang mga mata ko sa mahimbing niya pa rin natutulog. Pinag aaralan ang bawat anggulo ng kanyang mukha, mag mula sa kanyang panga, labi paakyat sa kanyang matangos na ilong hanggang naputol na lang ang aking pag titig sakanyang makapal na kilay at pilik-mata.

Sa likod ng masungit at kong minsan malamig niyang trato, hindi ko pa rin maikakaila nag kukubli ang guwapo at kabutihan sakanya

Hindi ko namalayan ang aking sarili na tinaas ang aking kaliwang kamay, na hinaplos na lang ang kanyang pisngi na hindi maalis ang matamis na ngiti sa labi ko. "Magandang umaga, mahal." Mahina at malambing ko na lang na pag kakabigkas na madama ko ang malambot niyang kutis.

Kinagat ko na lang ang ibaba kong labi at unti-unti kong inalis ang kamay kong naka haplos sa kanyang pisngi. Sa huling pag kakataon, sinilip ko pa rin si Dakila na mahimbing pa rin na natutulog at nag hahanap ng tyempo na maka-alis sa kanyang pag kakayakap.

Unti-unti kong ginagalaw ang katawan ko, pag kakaalis sa pag kakahiga para sa ganun makapag handa ako ng almusal naming dalawa. Mainggat lamang ang kilos at galaw ko, na hindi makakagawa ng anumang tunog na mag papaagaw na magising siya sa simpleng pag alis ko sa tabi niya.

Mariin na lang akong napa lunok at humigpit na lang ang pag kakahawak ko sa kumot na naka-takip sa katawan ko at inalis ko ang kamay niyang naka yakap sa akin at mainggat na tumatayo para sa ganun makababa na sa kama.

Pasulyap-sulyap pa ako sa gawi ni Dakila na walang kamalay-malay pa rin na matagumpay akong naka tayo sa kama at akmang ikikilos na sana ang paa ko pahakbang paalis subalit, napa singhap na lang ako na may mainit na kamay na humawak sa aking pulsuhan sabay hatak sa akin pahiga sa kama.

Kumalabog na lang nang malakas ang aking puso na ngayo'y hinila ako ni Dakila pahiga muli sa kama at kinulong sa kanyang bisig. Para na akong aatakehin na mag kadikit ang katawan namin at binubuhay ang katawan ko na maka ramdam ako ng init sa aking kalamanan lalo't naririnig ko ang pag tibok ng kanyang puso na malapat ang taenga ko sa kanyang dibdib.

"Saan ka pupunta, mahal?" Malambing na tinig na lang nito na halos panuyuan na ako ng laway sa aking lalmunan na maramdaman ang matigas na katawan nito. "Hmm?"

"Ahh eh." Tugon ko na lang sabay lunok ng mariin na hindi pa rin siya kumakalas sa pag kakayakap sa akin. "Babangon na sana para gumawa ng agahan natin."

Hunk Series 4: Damian Garcia (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon