Chapter 41

35 1 0
                                    

Chapter 41

LIGAYA'S POV

"Bilisan mo diyan, Lira." mahinang pasunod ko na lamang sa kababata kong kapatid at nauna na akong nag lakad.

"Sige ho, Ate." ramdam ko ang pag sunod na lang sa akin ni Lira sa aking likuran at mag kasama namin binabaybay ang daan.

Pareho kami may dalang timba at lalagyan puno ng mga damit namin. Araw nang sabado ngayon at napag pasyahan namin na mag kapatid, na pumunta sa ilog para doon labhan ang aming mga damit.

Maganda kasi doon sa ilog, dahil lamang sa presko at sariwa ang tubig kundi bwelong-bwelo talaga kaming mag laba don. Alas syete pa lang nang umaga tinatahak na namin ang daan papunta sa ilog, na nalilibang naman kaagad kami dahil sa magandang tanawin na aming nadadaanan at mga nag tataasan rin na mga puno sa paligid. Ilang mimuto pa ang aming binabaybay at malapit na rin namin kami sa aming pupuntahan at saktong-sakto rin talaga na inagahan namin ni Lira na pumunta sa ilog para sa ganun, maaga rin kami matapos.

"Oh, bakit ang bagal-bagal mo ata ngayon na kumilos, Lira?" kina-silip ko naman sa likuran ko ang naka sunod na kapatid kong naka nguso na at bagsak ang balikat na naka sunod sa akin. Nahalata ko kaagad sa kanyang kilos na animo'y ang tamlay niya. Huminto muna ako saglit, at hinarap siya. "Huwag mong sabihin sa akin, na tinatamad ka?"

"Hindi kaya, Ate." depensa naman kaagad nito na kaagad na kina-ayos ang hawak na timba laman ng mga marurumi namin na damit para hindi iyon malaglag. "Busog na busog kasi ako kanina sa dinala mo sa balay na almusal, at kakanin. Napaka rami ko pa naman na kinain bago tayo umalis kanina sa balay. Napaka bigat tuloy ng tyan ko ngayon sa kabusugan,"

"Iyan kasi eh. Ang takaw-takaw mong kumain," biro ko na lamang na hinigpitan ko ang pag kakahawak ko sa timba rin na dala ko. "Bilisan mo na ang lakad mo at maya't-maya mawawala rin iyan na kabusugan mo kapag nakapag simula na tayong mag laba sa ilo----" hinakbang ko na ang paa ko na ipag patuloy na lamang ang pag lalakad subalit, kaagad naman ako natigilan na may pasadya na bumunggo sa akin na kina-dahilanan na mabitawan ko ang timba na hawak ko.

Maririnig mo na lamang ang tunog ng pag bagsak ng timba at kasabay no'n ang pag tilapon rin ng mga marurumi naming mga damit.

"Ops, hindi ko sinasadya. Paharang-harang ka kasi sa dinaraanan eh." maarting pag kakasabi ni Dolores at sa likuran niya naka tayo ang malalapit nitong kaibigan.

"Ayos lang naman. Ikaw pala iyan Binibining Dolores,"  pinakita ko na lang ang matamis na ngiti sa labi at bahagyang nag squat na naupo at pinulot na lamang ang nag kalat na mga damit namin sa lupa at nilagay iyon sa timba na nalaglag kanina.

Isa-isa kong pinulot ang mga damit at gilid naman ng mata ko nakita ko si Dolores at ang kaibigan niyang naka tayo pa rin sa gilid ko, bahagyang pinapanuod at kinikilatis ang ginagawa ko. "Sa susunod kasi Ligaya, tumingin ka naman sa dinaraanan mo dahil nakaka-abala ka nang ibang tao," salaysay na lamang ni Dolores na may laman at ibang pahiwatig na hindi na lang ako kumibo.

"Tumitingin naman kaya ang Ate Ligaya ko, sa dinaraanan niya kanina. Sadya lang na binunggo mo talaga siya," sagot pabalik naman ng kapatid kong si Lira na, kina hinto ko sa ginagawa kong pag pupulot.

"Lira, tama na," saway ko na lamang kay Lira na mababang tinig, at mukhang hindi siya nasindak o natakot sa presinsiya ni Dolores at mga kasamahan nito sa harapan namin. Kay tapang naman ng mukha ng kapatid ko, na tumalim na tumitig sa Binibini samantala naman si Dolores walang kibo subalit nando'n ang galit at hindi nito nagustuhan ang pag sagot sakanya ni Lira.

"Sandali, pinaparatangan mo ba akong sinadya kong bungguin si Ligaya, ganun ba ang ibig mong ipahiwatig, Lira?" may pag tataas ng boses ang tinig ni Dolores at ang kanyang mata nama'y tumalim. "Hindi ko magagawa ang bagay na iyong pinaparatang sa akin, kahit tanungin mo pa ang mga kasamahan ko alam kong sasang-ayunan nila ang sinabi ko."

Hunk Series 4: Damian Garcia (ON-GOING)Where stories live. Discover now