PROLOGUE

7 0 0
                                    

Naglalakad ako sa hallway nang marinig ko ang usap-usapan ng mga estudyante sa paligid ko.

"Malapit na naman ang anniversary ng University."

"Oo nga, ano kayang bago nilang pakulo?"

"Ako'y excited!"

Napahinto ako at tinitigan na lamang ang likod ng dalawang babae na nag-uusap kanina.

Oo nga pala... anniversary na naman. Ano na naman kaya ang mga bagong program?

Maglalakad na sana ako ulit nang marinig ko naman ang usapan ng dalawang lalaki errrr bading sa gilid ko.

"Kyaaahhh may nag leak ng program about sa anniversary ng University!"

"Hoy! Share!"

Sa boses ng dalawa ay paniguradong marami ang makakarinig.

"Pupunta raw 'yung popular na PPOP group."

Hindi ko alam kung bakit hindi nilakasan nung bading ang pagkakasabi niya. Tanging ako lang at 'yung kaibigan niya ang nakarinig.

"PPOP? Group?" I whispered. Mahilig ang kapatid ko sa mga PPOP kaya kilala ko sila. Mga babae kaya o lalaki? Puro mga pangalan ng lalaki naririnig ko sa kapatid ko eh.

Anyways, natutuwa rin naman ako kapag anniversary ng University eh. Pwedeng umuwi!

Excited na 'ko.

IDOL SERIES: NOELLE ROBLESWhere stories live. Discover now