CHAPTER 11

5 0 0
                                    

Noelle's POV

Ganoon na ba 'ko ka boring sa buhay? Base sa mga naririnig ko simula pa last week, sobrang sikat sila. Kahit nga raw sa ibang bansa ay kilala sila.

Those interactions with them... bakit wala akong kilala ni isa?

Puro na lang ba talaga ako aral at tulog? Deym!

Dapat na ba nila akong kainggitan dahil nakausap, naihatid at nahawakan na ako ng mga idol nila?

They keep on practicing the piece that I think they will perform later. Kumakanta sila pero hindi pa masyadong sumasayaw.

Feeling ko sobra pa ang pagka SVIP ko rito.

Gaya ng dati, nakaupo ako sa engineering seats ng gymnasium. Malapit ako sa stage kaya kitang-kita ko talaga sila.

Starstruck, ganiyan ako ngayon. Iba pala ang dating kapag nalaman mong idol at sikat sila.

Their visuals never decline. Pati ang boses nila ay ang sarap pakinggan.

Nagawi ang tingin ko sa babaeng naghatid sa akin noong isang gabi. Hindi ko pa rin lubos maunawaan kung bakit nasabi niya sa akin 'yon.

Hindi ko inaasahang magagawi ang tingin niya sa akin habang kumakanta. She didn't stop singing but her eyes didn't leave mine.

What is this feeling? For the first time in my life natalo ako sa staring contest. Damn!

Napaiwas ako ng tingin. Natuon ang atensyon ko sa upuan na nasa harap ko. Damn!

"A-Ammm 'di pa po pala kayo umalis."

Nasa gilid ko na ang estudyanteng tinakot ko kanina. Kanina pa kasi ako rito. Hindi ko nga alam kung inabot ba 'ko ng ilang oras dito para lang makaiwas sa ingay.

"Julius, sinabi kong bawal magpapasok 'di ba?!"

Sabay kaming nabaling ang tingin sa stage. Who's she? Is she the director and the manager of the girls?

May hawak siyang microphone at papel. Yeah! Siya ata ang nag-aayos ng event ng mga babae.

"Come here! You two!" Nanginig agad sa takot 'tong Julius. Wala akong nagawa kundi ang sumunod kay Julius. "Palpak ka talaga eh 'no?" Napaiwas agad si Julius.

"Ti-Tinakot ako niyan eh!" Haha!

"At sino ka naman?!"

Ang liit niya pero nabawi naman sa boses. Ang tining! Hindi nga siya lumagpas sa balikat ko.

"Bawal ka rito! Labas!"

Sasagutin ko pa ba una niyang sagot?

"Ahh ate Jam, kaibigan namin 'yan."

"Hindi ako inform Jessica!"

Damn! Sumasakit tenga ko. Palaging may exclamation point mga sinasabi niya.

"You're disturbing our preparation. Get out!"

Gamit ang microphone ay tinuro niya ang labasan.

Tumalikod ako. "Ang liit pero ang lakas ng boses." Hindi ko naman alam na pati pala pandinig niya malakas.

"Aba! Ang bastos!"

Nagulat ako ng may humila sa kanang braso ko. Napa harap tuloy ako.

Gusto kong matawa. Hahaha! Ang taking niya. Kung anong kinatingala niya, ang baba naman ng tingin ko. Ang cute ng mga babaeng mababa eh 'no?

IDOL SERIES: NOELLE ROBLESWhere stories live. Discover now