CHAPTER 10

2 0 0
                                    

Noelle's POV

Nanghihina ako ngayon. Akala ko makakauwi na 'ko dahil anniversary ng University. Pota! Sino ba ang nagbago ng rules!

Dati pwedeng umuwi kasi excuse na lahat pero ngayon hindi.

Kailangang pumunta dahil may attendance! Ang attendance pa na iyon ay ibibigay sa department head ng engineering. At ibibigay niya naman iyon sa mga prof namin.

Bad trip!

Gusto ko ng makita sila mama.

"Hello ma?"

"'Nak?"

"Ma, hindi po ako makakauwi."

"Anniversary ng school niyo 'di ba?"

"Yes ma, kaso may attendance po ngayon."

"Mas unahin mo 'yan okay lang kami rito."

"Ma? Ayos lang po ba talaga?"

Matagal bago nakasagot si mama. They're not okay.

"Sila tita na naman ba ma?"

Toot!

Pinatayan ako, nyemas. Problema nila?! Trip talaga nila pamilya namin.

Damn it!

Alas diyes na ng gabi. Tumayo ako saka naglakad papunta sa room namin.

Nakita ko ang damit ko na nakatupi ng maayos sa ibabaw ng kutson. Linggo ngayon kaya simula na bukas ng anniversary.

Is this the time to asks what's their names? Two weeks na 'ko rito.

"Eyy, what's your name?"

Nakatayo ako ngayon kaya kita ko rin ang dalawa na nakaupo at may sinusulat sa taas. Gano'n ako katangkad.

Ang una kong tinanong ang babaeng pinahiram ko ng damit.

Tila nagulat pa ito.

"Marielle po."

"Ako naman po si Selene."

"Sheena here po."

Here we are sa 'po' again.

"Takbo kayo sa engineering department kapag binalikan kayo."

Inayos ko ang higaan ko saka nahiga na. Inayos ko pa ang telang hinaharang ko.

"Grabe naayos nila 'to ng isang araw?"

Hanga rin talaga ako sa mga CSC officers. Nagagampanan ng maayos ang responsiblidad.

Tss! Kung walang attendance eh 'di sana nakauwi na 'ko kahapon.

Ang pisti man uyy!

Nakakahanga ang mga banderitas sa taas. Iba-iba ang kulay...

Pasiklaban din ang mga booth ng bawat department. Kung sino ang makakabenta ng marami ay may premyo.

Ano kayang pakulo ng department namin? Tamad akong mag seen sa gc.

Paggising ko kanina ay wala na 'yung tatlo. Nagulat pa nga 'ko sa sandwich na natatakpan kanina sa mesa. May nakalagay pang sulat.

Thoughtful nila 'no?

Babawi sa events, bago mga stress sa acads.

Asan ba sila? Kanina pa masakit leeg ko kakahanap.

"Noelle! Kanina ka pa namin hinahanap! Tara!"

IDOL SERIES: NOELLE ROBLESWhere stories live. Discover now