CHAPTER 3

3 0 0
                                    

The new students or the first year can't explain their emotions. Masaya, excited at natatakot. Tatlong emosyon na nangingibabaw sa kanila.

It's time to make new friends for those who travel just to study. Swerte naman kung may kaibigan kang kasabay papasok. At mas swerte ka kung lapitin ka at masyado kang friendly.

For Noelle, friends are only a distraction to her career. Yayayain ka kung saan, inuman at ano pa. Imbes na mag-aral pag-alis ang inaatupag. Noon pa man 'yan na ang nakatatak sa utak niya.

Easy for her... pa'no naman 'yung mga hindi kaya?

At least na survive niya ang tatlong taon.

"Oh? Ang aga mo naman ata?" Napalingon ang mga lalabas ng boarding house sa tanong ng isang babae. Sinundan nila ang tinitingnan nito at natulala na lamang sila ng makita ang magandang babae na wala man lang emosyon sa mukha.

Nagtatakang napatingin sa kaniya ang iba. Wala naman siya kagabi 'di ba? Kararating niya lang babae ngayong umaga?

"May orientation po." Everyone gulp. Husky and deep voice. Grabe! Halata naman ang gulat sa mata ng babae.

Noelle's POV

I excused myself when ate Nilda didn't respond. Nakanganga lang ito at tila gulat na gulat.

First year to third year at hindi man lang ako nag attend ng orientation sa University. Ngayon lang, ewan ko ba. Pumasok sa utak eh.

Kagabi din alam kong may meeting ang mga boarders pero hindi ako umattend. It's about rules and regulations lang naman. Kung may nabago man sasabihan na lang ako no'n ni ate. Kaya siguro ganoon itsura nila ng makita ako. Buong buhay ko hate ko talaga meetings and orientation eh. Pero this time I need to attend.

Fourth year na 'ko, kailangan malaman ko na kung ano na bang mga need ko.

Tumigil ako sa paglalakad nang marating ko ang harap ng gate. Pero nasa kabilang kalsada pa 'ko. Kailangan kong tumawid.

Tingin sa kaliwa tapos kanan kapag walang sasakyan eh 'di tumawid ka na.

Hindi muna ako tuluyang pumasok. Binasa ko muna ang pangalan ng University na nakapa-arko sa taas ng gate.

"Villacorta University," hanggang ngayon hindi ko pa nakikita ang may-ari ng University. Kahit anino ay ayaw magpakita. Pangit ata...

I startled when a car beeped at me. Yeah, nakaharang pala ako.

Hindi ko na ito tiningnan at pumasok na sa maliit na gate. Sa bawat gilid at may dalawang maliit na gate habang sa gitna naman ay malaki para sa mga dadaang sasakyan. Pwede namang dumaan sa gitna basta walang sasakyang babangga sa 'yo.

Nginitian ako ng guard na nagbabantay sa gate na pinasukan ko. Kilalang-kilala niya 'ko, ako lang naman 'yung nakipag-away sa kaniya way back when I was in second year.

Not minding the stares coming from my co-students, I continue walking to Engineering department. Kailangang magipon-ipon muna sa kada department ang mga estudyante bago pumasok sa gymnasium. Well 'yan ang nabasa ko sa announcement na sinend sa group chat ng section namin.

This school is very big. Lahat ng courses sa college ay nandito. Pero grabe naman sila sa pagpili ng estudyante. Two blocks per course lang with minimum of thirty-six students per block. Gayunpaman, kahit konti lang ang block ay marami pa rin ang estudyante dahil kompleto ang course na nandito.

I smirk when I saw my department. Color blue building eh. Blue for Engineering department.

Third Person's POV

Everyone's cheering for their departments. Excited ang mga first year dahil unang orientation nila ito ngayong college. Samantalang ang higher year naman ay nakabusangot dahil alam nilang mahabang pagpipigil na naman ng antok ang gagawin nila.

"I'm hoping that we're complete today." Ani ng presidente ng Computer Engineering block A kung saan kabilang si Noelle.

"Asa ka eh 'no? Tatlong taon na 'yung 'di nag-aattend." Sagot naman ng secretary.

"Hoping nga 'di ba?"

"Tss!"

The president and the secretary of the class. Aso't pusa!

"Five minutes na lang magsisimula na."

Umaasa pa rin naman sila na darating siya. Kahit ang secretary. Hindi buo ang block nila ng wala siya. Kahit hindi man ito palasalita importante ito sa kanila.

Napuno ng curiosity ang mukha nila ng biglang umingay ang ibang estudyante.

"First year ba 'yan?"

"Ang ganda at ang tangkad ah."

"Ganda naman!"

"Blessing"

Kaniya-kaniyang react ng lahat.

"Si Noelle!" Napasigaw bigla ang secretary ng matanaw niya ang kaklase.

Natuwa ang section nila at kahit ang block B ay natuwa rin. Nakompleto rin sila sa wakas.

There! Walking cooly in the crowd wearing a plain white T-shirt and a big baggy pants. May hawak pa itong kulay puti na cap na may nakasulat na Brooklyn. Nakakunot noo habang hinahanap ang pwesto ng mga kaklase.

"Noelle!" Sigaw ng isang babae na nagtiyaga sa ugali ng babae. Ang babaeng kaklase niya na hindi sumuko makipag-kaibigan lamang. Si Noelle na rin ang sumuko kaya naman sa tatlong taon ay magkasama sila. Napagkakamalan pang mag jowa.

Narinig ito ni Noelle kaya naman napatingin siya rito.

Sa mga estudyanteng hindi siya kilala ay umaasang first year ito. Ngunit napanganga sila nang makitang pumunta ito sa pwesto ng higher year.


Noelle's POV

Their faces... kulang na lang pasukan ng langaw eh. A-attend ba naman ang estudyanteng walang paki noon pa man.

"Students please proceed inside the gymnasium." Saktong pagkalapit ko sa kanila ay narinig namin ang boses na iyon. The assistant secretary of the University.

Automatic na sinabit ni Kathryn ang braso niya sa leeg ko. Siya 'yung sumigaw kanina. Ang babaeng nakakapagpahaba ng pasensya ko. Ewan ko ba...

Pinabayaan ko na lang siya kahit nahihila niya ako pababa. Hanggang leeg ko lang kasi ang height niya.

Pagkapasok namin ay tanging ingay lamang nila ang maririnig. Kasiya dito lahat!

Pwede na nga mag concert si Taylor Swift dito eh. Iba-iba ang kulay ng upuan para mahanap agad ng mga estudyante. Blue sa amin as always.

Sa tagal kong nag-aaral dito, pang ilang beses ko pa lang bang makapasok dito?

IDOL SERIES: NOELLE ROBLESМесто, где живут истории. Откройте их для себя