CHAPTER 9

3 0 0
                                    

Noelle's POV

Thesis! Thesis!

'Yan lang ang naging laman ng lesson ngayon. They want us to think a problem na.

"Sir! Kami po ba pipili ng ka grupo sa thesis?"

"No, ito ang tadhana niyo ngayon."

Nilapag niya ang isang jar na transparent. Kita sa loob ang mga papel na nakatupi.

"You're thirty six, so we will have nine groups."

Four members per group? Tss! Gusto ko pa namang magsolo. As if namang papayag ang University na mag solo ako.

Nag-unahan bumunot ang lahat. Samantalang ako ay kahit ano, basta may matirang papel. Mas okay nga kung walang matira eh.

Tumayo ako ng ako na lang ang walang hawak na papel.

Dinukot ko ang papel saka binuksan ito. Four? Tinupi ko ito ulit saka binulsa.

Sinu-sino kaya?

"Class dismiss." Tanging likod na lang ni sir ang nakita ko.

"Three ako! Sino three diyan?!"

"One!"

"Dito na 'yung six!"

"Asan ang mga nine diyan?!"

Naging palengke sa ingay ang room. Nagkakagulo, nagsisigawan at parang nagwagi naman ang iba.

"Shit! Four ka?! Kapag minamalas nga naman oh!"

"Malas ka rin!"

"Hoy! Ingay niyong dalawa! Mas malas ako!"

Damn! Kapag sineswerte ka nga naman oh. Silang tatlo pa talaga? May pangalan na agad ako sa grupo.

Chaotic...

Kompleto na sa mga sulok ang bawat grupo. Samantalang ang tatlo ay nagsisigawan pa rin.

Rowen the president. Crisha the secretary and Kathryn the OA. Damn! May kasalanan na 'ko sa 'yo Lord?

May mabuo naman ba kaya kami kapag gumawa na?

"T-Teka! Sino kulang?" Nilibot ni Kathryn ang paningin hanggang dumapo sa akin. "Swerte pala! Swerte hindi malas!" Damn!

Kinuha ko ang bag ko saka nagmamadaling lumabas. Ang sakit sa tenga ng sigaw niya.

2:30 pa lang ng hapon. Four pa next class ko.

Tinahak ko ang daan papuntang canteen. Masarap uminom ng malamig. Isa lang ang canteen sa buong university. Kaya tuloy palaging crowded.

Katabi ng canteen ay ang nursing department. Kung saan matatagpuan ang mga nursing students na makikinis, malilinis tingnan at higit sa lahat mga naka brace ang ngipin.

Ang alam ko lang is dapat palaging malinis tingnan ang itsura nila. Kahit ang buhok dapat palaging nakatali.

Sampung metro mula sa pwesto ko ay kita na ang mga estudyanteng labas masok sa canteen.

Hindi ba naiinitan ang mga 'to? Tinutukoy ko ang mga nursing students na naka uniform na, nakasuot pa ng laboratory gown.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang makapasok ako.

Ang loob ng canteen ay makikita mo ang maraming stalls na iba-iba ang tinitinda.

Drinks, junk foods, may nagtitinda naman na lulutuin pa katulad ng pancit, fries, burgers, street foods at kahit ano pa. May printing area din.

IDOL SERIES: NOELLE ROBLESWhere stories live. Discover now