CHAPTER 5

2 0 0
                                    

Alejandra's POV

"I'm sorry but this is the first time I saw them."

Ilang beses nang umuulit ang linyang 'yan sa isip ko.

"HAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"

Tawa kami nang tawa ng secretary ko matapos marinig ang linyang iyon.

"Pota! Pinagkakaguluhan kayo tapos 'di kayo kilala ng pinakasikat na estudyante rito?"

Tumatawa pang pangungutya ng secretary ko.

"Who the hell is that?"

"That's the popular yet snobbish student of mine sister."

Pabagsak akong naupo sa bakanteng upuan.

"Baka naman taga bukid kaya hindi kami kilala?"

"You're right," ngumisi ito. "But mag fo-four years na siyang nag bo-boarding house dito." Nawala nag ngisi niya. Ako naman ang napangisi.

Tumabi sa akin ang secretary ko. Nilagay niya ang isang kulay outing envelope sa mesa na nasa gitna namin.

"That kid is scary." Panimula nito. "Cold, quite and scary human being." She crossed her legs. "But I admit that kid is beautiful, smart, hardworking and a perfect student that this University could ever wish for." Tila kumikinang ang mga mata nito. Idol niya kasi ang batang 'yon ngunit natatakot ito.

"Perfect student? Alam niyo na kaagad? Start pa lang ng school year ah?" Napalingon ako kay Colleen. The bookworm of the group.

"LOL! Fourth year na 'yon. FYI!" With matching irap ni Kara, ang sekretarya ko.

"WHAT?!"

"Yes, but the thing is... kaedad niyo lang siya."

"Paano nangyari 'yon?"

"Ilang beses siyang na accelerate when she was in high school."

"WOW! AMAZING!"

Pumalakpak pa ang isip bata ng grupo, Nicole.

"Tinamaan 'yung isa diyan."

Napatingin ako sa tahimik kong kapatid. Iyon din ang purpose ko kaya pinagawa ko ang bagay na 'yon kay Kara kanina.

Si Noelle ang binusinahan namin kanina sa gate. Kitang-kita ko ang naging reaksyon ng kapatid ko matapos siya makita kanina.

At ngayong mas nakita niya ito ng malapitan ay nakompirma ko. May tinamaan nga...

Noelle's POV

Naiinis ako nang makalabas ako ng admin building. The hell?! Super weird nila!

After I said those words, ay talaga namang nakatanggap ako ng masamang tingin mula sa sampu. Kaya wala akong nagawa kundi umatras at lumabas na lang.

Using my fingers I brushed my hair. Well habit ko 'yan. Hindi ko nga alam kung nakakailan ako sa isang araw eh.

Nagkalat na ang mga estudyante sa labas. Ako naman ay tila estatwa sa labas ng admin building.

Naglakad lakad ako hanggang madaanan ang isang bulletin board. Maraming nakadikit na papel dito. Puro naghahanap ng members na mga club. I'm not interested though.

Wala akong hilig sa ganiyan. Dagdag gawain lang eh.

Simula elementary ayaw na ayaw ko na talagang maging officer. Rason? Ayaw kong mapaiwan kapag may meeting after class. Valid reason naman 'yon eh.

IDOL SERIES: NOELLE ROBLESWhere stories live. Discover now