𝕷𝖆𝖇𝖎𝖓𝖌 𝖆𝖕𝖆𝖙 𝖓𝖆 𝖄𝖚𝖌𝖙𝖔

697 80 17
                                    

𝒞𝒽𝒶𝓅𝓉𝑒𝓇 𝒫𝓁𝒶𝓎𝓁𝒾𝓈𝓉
𝘉𝘢𝘥 𝘴𝘪𝘥𝘦- 𝘑𝘢𝘤𝘬 𝘋𝘢𝘯𝘪𝘦𝘭𝘴

≿━━━༺❀༻━━━≾

Tatlong araw pa lang naging bagong CEO si Belphegor sa bagong kompanya na ipinasa sa kanya ni Satan ay wala itong ibang ginawa kun'di matulog. After doing his paper works, he hands it to the secretary. Even in business meetings with foreign investors, he's found slacking off, but for some reasons he was able to pick up every information said on the table even if he was asleep. 

Hindi na bago sa mga empleyado ang pagbago-bago ng boss sa loob ng isa o dalawang buwan. Hindi rin naman nila magawang magreklamo dahil kahit pa man iba-iba ang personalidad ng mga ito at pag-uugali sa trabaho ay hindi maitatangging maganda ang pamamalakad ng mga ito at nadadagdadgan pa ang sahod nila. Bukod doon ay hindi maitatanggi na mas lalong ginanahan magtrabaho ang mga ito dahil may hitsura ang boss nila. 

"Bakit kaya ang po-pogi nila magpipinsan?" Bulong ng manager ng marketing department habang pinapanood si Belphy na nakapamulsang naglalakad papasok ng cafeteria. 

First, it was Asmodeus, the playful man who was friends with everyone, especially those smoking hot ladies in the company. Later on, it was a bachelor named Baal, the goofy boss who loves food to be delivered to his office every hour, but in contrast to his gluttonous nature, he takes work professionally. Satan was the strictest among them; day by day, an employer got fired if he noticed they were slacking off. He's a workaholic boss who pays his subordinates according to their performance. 

"His sleepy eyes are so attractive, don't you think?" Tanong pa ng isang babae habang diretsong nakatingin sa binatang nakatingin sa mga ulam na nakadisplay sa cafeteria. 

"Oo nga e! Kapag napapatingin ako sa mga mata niya pakiramdam ko inaakit niya ako!" Impit na irit naman ng assistant manager ng HR. 

Belphy pursed his lips. He can hear everyone whispering about him, even their thoughts in their heads. He had to shut down his mind-reading ability to sleep peacefully every day. For him, these humans had nothing to do but gossip behind people's backs instead of minding their business to improve their lives. Well, he wasn't expecting much from them. 

"Do you have coffee ice cream?" Saglit na natulala ang taga serve ng pagkain nang marinig ang matipuno nitong boses. 

"Y-yes." Pasimple itong sumulyap sa binatang kaharap at napakagat na lamang ng labi nang mapansin kung ganao ito ka-gwapo. "Give me a few scoops and have it delivered in my office." Utos nito bago lisanin ang cafeteria. 

He could just ask the secretary do it for him instead of coming personally in the cafeteria, but he was used on doing things on his own. Marahil isa sa dahilan ay noong mga panahong nasa Inferno pa ay sa kanya naipapasa ang mga gawaing dapat gawin nila Leviathan at Satan. Kaya naugali niya na rin na kung kaya niya gawin ang isang bagay ay hindi niya ito ipapasa sa iba upang hindi makaabala. 

When he arrived at his office, he played a classical song on a cassette tape. Walang pag-aalinlangan itong humiga sa mahabang couch habang magkakrus ang braso. His eyes hurt after reading a pile of business proposals on his desk. May mga kontrata pa itong binasa na singkapal ng hinliliit niya. He wanted to rest. But then, he remembered something. He pulled his phone in his pocket and dialed a certain number. After a few more rings, someone finally answered it. 

"How the hell does this shitty box works?" Iritang bulong ng isang babae sa kabilang linya. 

"Hello? Hello? Hello?" Paulit-ulit nitong tanong sa kawalan habang sinusuri ito nang mabuti. Kulang na lang ay ihagis niya ito dahil pakiramdam niya wala naman itong kwenta.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 21 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

INFERNO: LILITHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon