Chapter 13

6.1K 426 104
                                    

Chapter 13: Her backstory

"Ano ang ginawa ng mundo ng mga tao sa 'yo, Mahal ko?"

Sa huli ay hindi ko rin napakawalan ang palaso upang saktan si Tobias. Sa halip ay marahas ko tinabig ang kamay niya at itinusok sa sahig ang hawak kong pana, malapit sa tagiliran ng kanyang mukha.

Agad na akong humiwalay sa kanya at tumalikod ako. Marahas kong pinunasan ang luha sa aking pisngi at pilit akong pinakalma ang sarili ko. Napahawak ako sa aking baywang at ilang beses akong nagpalakad-lakad.

Ramdam ko ang pangangatal ng tuhod at kamay ko.

Hindi naman ako magtatagal dito. Tutulungan ko lang sina Claret at Divina, wala akong balak umupo sa puwesto o di kaya'y maging reyna. Everything is just my delusion to have my new world because I still have my own world waiting for me.

Hindi ako nararapat sa posisyon na naghihintay sa akin dito.

May mga naghihintay sa akin. I couldn't abandon them.

And this emotion with Tobias is nothing— maybe this is just a way for me to forget everything. Babalik ako sa mundo ng mga tao.

Napahilamos ako sa aking sarili.

"Oh, oh . . . someone has a dark side."

Marahas akong lumingon kay Pryor. "I am."

He laughed.

"I know that you were trying to kill me. Hindi ko alam kung ano ang galit mo sa akin, Pryor, pero hindi kita hahayaang magtagumpay ka sa pinaplano mo. Baka unahan kita—" Itinigil ko ang anumang sasabihin ko.

Pryor looked amused.

Saglit tumalim ang titig ni Tobias sa kapatid niya bago niya ibinalik ang kanyang atensyon sa akin.

"Kezalli . . ."

Humakbang ako paatras.

Marahas kong itinuro si Tobias. "Shut up! You good for nothing—" Napailing ako.

"I thought you love me? What is this? You're trying to make me remember—" mariin akong napailing.

"I want to know everything, Kezalli."

"Huh? Is that even necessary? May magagawa ka ba? Hindi ba't hindi ka rin naman makatatawid sa mundo ng mga tao? Ano pa ba ang gusto mo? Hindi ba't ginagawa ko naman ang lahat ng gusto mo?"

Pryor seemed to be enjoying the sudden shift of situation.

Nagkibit-balikat pa siya at ngumisi sa akin bago niya kami iniwanan ni Tobias.

"Why am I surrounded by women who are trying to hide their identity—"

Umiling ako. "Tobias, I am not trying my identity. Kung anuman ang nakikita mo at ang paraan kung paano ko tinanggap ang mundong ito at ang sitwasyon ko— parte ko iyon. Isa iyon sa katangian na nakasayanan ko na, ang mabilis tanggapin ang mga bagay na nasa harapan ko. But I am still that warm woman who wants to smile every day. Dahil sa sandaling hindi ko nilabanan ng ngiti at saya ang buhay ko. Mababaliw ako. Mababaliw ako."

Hindi ko muli napigilan ang pagpatak ng luha ko habang pinunpunasan ko iyon ng mga braso ko.

"Tell me, I'd do everything in my power, Kezalli," Tobias said, determined.

Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa akin. I flinched when he was about to touch me, and I saw pain flash in his eyes.

"Do you want to forget it? Do you want me to get rid of them? I'd find a witch, a priestess, or anyone who can remove those painful memories."

Night of Waterfalls (Venom Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon