Chapter 27

5K 436 93
                                    

Chapter 27: The Accomplice

"Wow. The confidence he got here," nakangiwing sabi ko.

"Because Prince Rosh is the proud, elegant, and beautiful prince of Deltora," Divina said supportively.

Ngumiwi rin si Rosh nang marinig ang sinasabi ni Divina. "What is your business with me?"

Hinayaan ko muna si Divina na pagaanin ang sitwasyon namin sa pagiging makulit niya, at naghintay lang ako nang tamang tsempo. Kaya nang sabihin ko na kay Rosh iyong ilan sa napansin ko at naranasan namin ni Divina na hindi ko agad nasabi sa lahat, malaki ang kaba ko sa magiging reaksyon niya.

"A-And what made you think that I'd listen to this—" Divina cut him off.

"Because you're Prince Rosh and you like taking so many sides!"

Napakamot ako sa pisngi ko habang naalala iyong sinasabi sa akin ni Tobias na kung sakaling mali ang desisyon ko ay maaaring si Rosh na lang iyong sumali. Minsan ay gusto ko na rin bawiin ang sinabi ko na mahal na mahal ni Tobias ang mga kapatid niya, ipinain niya lang naman si Rosh sa amin ni Divina.

"Ugh, because your brother recommended you?"

Napabuntonghininga siya. "Why do I have this feeling that I am forever the woman's accomplice? Come, let me hear it."

"Why do I have this feeling that I am forever the woman's accomplice? Come, let me hear it."

Nang maupo na kami, hindi ko na talaga mapigilan ang sarili kong magtanong kay Rosh. Ano ba iyang mukhang iyan?

Well, Tobias's the most handsome vampire I'd ever seen in this world. Berdeng mga mata niya pa lang, nag-iinit na ang buong katawan ko na tila nais ko na laging maghubad, ngunit totoo nga ang naririnig ko tungkol kay Rosh. Even Tobias admitted that his brother is known beyond the word handsome, he's a damn beauty. Unang titig lang sa kanya, wala nang maiisip na ibang salita, kundi guwapo, makisig, at perpekto.

"Ano pala ang skin care mo, Rosh?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Kumunot ang noo niya. "Huh?"

"Ano ang facial wash mo? Cleanser? Toner? Cream?"

Mas lalong nagsalubong ang kilay niya. "What are you talking about?"

"Ano ang inilalagay mo sa mukha mo para ganyan kakinis? May pores ka ba? Alagang belo ka yata Rosh."

Nang sabihin ko iyon ay bigla nang tumawa si Rosh.

"My dear sister-in-law, though I am not familiar with some of your words, I can quickly understand the admiration. Everything I have right now is natural. I am born perfect. I don't need efforts or prayers to be this elegant. I can understand the sentiment because humans are born well. . . you're pretty for a human, but still lowly, it's good na kinagat ka na ni Tobias," inabot ni Prince Rosh ang ilang hibla ng maiksi kong buhok. "And a bushy hairstyle at that, you're a rare type."

Napangiwi na ako. Nagbago na ang isip ko. Guwapo nga, mayabang naman, thank you, next na lang, Rosh.

"To be honest, hindi ko lahat sinabi ang nangyari sa amin ni Divina sa palasyong iyon. Dahil nasisiguro ko na hindi na rin magbabago ang pasya ng lahat sa sandaling sabihin ko iyon, or they would find it as a weak reason." Panimula ko.

"I know, and don't think that everyone's not aware of it," mabilis na sagot ni Rosh.

Nagkatitigan kami ni Divina. "Alam nina Mama't Papa?"

Rosh nodded. "Do you think you can fool them? In this whole group, you two have the least experience. We've been on several journeys for years and we've encountered different scenarios and faced different decision making. Not because one of you decided to hide it from us, means that you've successfully done it. We've heard different versions of stories, Kezalli."

Night of Waterfalls (Venom Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon