Chapter 24

617 9 4
                                    

Scarlet Pov

Nakita ko si ma'am sa tabi ng swimming pool kaagad akong pumunta sa kanya at tumabi.

"Ma'am i know your straight and alam ko din pong kakahiwalay niyo lang ni sir vincent." Saad ko sa kanya napayuko ako dahil sa ginawa ko.

"Galit kaba ma'am kasi may gusto ako sayo?" Dugtong na tanong ko sa kanya napatingin naman ito sakin nakita ko sa mga mata niya ang makikita ko ang sari-saring emosyon, ngayon ko lang nakita itong side ni ma'am palagi kasing cold at mataray tapos maikli pa yung pasensiya..

"I'm not mad...i'm just shock for what i heard and I'm straight miss laurel always remember that." Mataray na sabi niya sakin straight daw mama mo ma'am scammer ka rin minsan, pero hindi naman pweding sukuan ko nalang basta si ma'am hindi baka mapabaliko ko rin siya. Bumuntong hininga ako at tumingin sakanya.

"Ma'am lorenzo!! I'm scarlet Marie Laurel 19 year's old and your student payag kabang ligawan kita, i know na ang dali lang sayo itong sinasabi ko pero willing to wait din naman po ako." Ani ko sakanya ng pormal sabay lahad kusa kamay ko, napatitig siya sakin at pabalik sa kamay kong naka lahad sa kanya.

"Okay fine!! I'm Ellaine Anne Lorenzo your professor and ayaw kong magpaligaw sayo." Saad ni ma'am sabay nakipag shake hands sakin medyo masakit sa part ko yung, ayaw niyang ligawan sarap mong sakalin ulit sa kama ma'am.

Matapos niyang sabihin yun kaagad siyang tumayo at pumasok sa loob, luhh inano ko yun nag confess lang naman ako at nagsabi lang naman na gusto ko siyang ligawan nag walkout na kaagad, malungkot naman akong tumingin sa kanya na nakatalikod papasok.

"Hayy ma'am magiging baliko ka rin balang araw at sa araw na yan ako naman yung mamahalin mo hihintayin kita ma'am lorenzo operation pabaliko-in at paibigin ka." Sabi ko sa sarili ko at napangiti ng pilit.

Tumayo na rin ako at pumasok sa loob nakita ko si thea na lasing at nilalandi niya si ma'am tenario hinanap ko si ma'am lorenzo pero hindi ko nakita.

"Si ella ba hinahanap mo nandun siguro sa kusina may kinukuha." Sabi sakin ni ma'am tenario tumango ako sabay ngiti sa kanya.

Umupo ako sa tabi ni thea at kumuha ng beer tsaka binuksan iinom na sana ako ng hinawakan ni thea ang kamay ko.

"So kamusta yung pag-uusap niyong dalawa payag naba?" Tanong sakin ni thea kaya napatingin naman ako sa kanya lasing nato pulang-pula na.

"Ayaw niya at mahal niya at straight daw siya!! Change topic na tulungan mukong makahanap ng trabaho." Sagot ko sa kanya deretsong tungga ko yung beer shutaa ang init sa lalamunan napangiwi naman dahil sa pait non.

"Okay fine!!! WHAT NAWALAN KA NANG TRABAHO?" Sigaw ni thea kaya kaagad kong tinakpan yung bunganga niya, mukang nagulat din sila ma'am tenario at nakita ko si ma'am lorenzo na dali-daling lumabas sa kusina.

"Pwede ba thea yang bunganga mo talaga wag kang sumigaw baka magising yung mga natutulog na jusko ka." Sermon ko sa kanya kaya napangiwi ako ng bigla itong kinurot ni ma'am tenario sadista nga parang kaibigan mo lang ma'am.

Tumango naman si thea sakin at tinakpan na lang yung bibig niya at yung kinurot ni ma'am tenario hinihimas naman niya, nakita ko naman si ma'am na lumabas sa kusina pumunta samin, tumabi siya kay ma'am tenario ouch umiiwas.

"Oo thea kaya please tulungan mo ako okay." Saad ko sa kanya tumango naman ito at sinenyasan niya kong magpalit kami ni ma'am tenario, ng upuan kaso naka tunog si ma'am kaya kaagad niyang sinamaan ng tingin si thea.

"Ohh yahh!! Btw bestfriend hindi ba bukas pa naman tayo uuwi ng hapon what if bisitahin natin sila divine, mae, rena, at belle no." Madiin na sabi ni thea sakin.

"Okay na miss ko din naman sila bukas mga 10:00am punta tayo dun." Sabi ko ng nakangiti sa namiss ko sila.

Nang bigla na lang may bumato sakin ng tansan napatingin naman ako kay ma'am tenario, pero tinuro niya si ma'am lorenzo kaya napatingin ako sa kanya ang sama ng tingin niya samin ni thea siniko ko naman yung kasama ko dito tumatawa na pala.

"Hirap talaga kapag dinedeny mo no ma'am tenario." Sabi ni thea sabay tingin kay ma'am lorenzo at kumindat pa.

"Tumahimik kana nga penguin kong ayaw mong ha-" Kaagad tinakpan ni thea ang bibig ni ma'am luhh ano yun sana all close.

"Ubusin na nga natin to tapos matulog na." Pag iiba ng topic ni thea at tumungga ng beer jusko naman uminom na lang din ako para makapagpahinga na kami.

Nang natapos na kami ay lasing na lasing si thea habang inaalalayan siya ni ma'am tenario papunta sa taas ang weird nilang dalawa, ako naman ay medyo lasing na pero kaya kupa naman habang si ma'am lorenzo ay naglilinis ng pinag-inuman namin ni thea kaya tinulungan ko muna ito.

"Ma'am ako napo dito mauna kana po sa taas." Sabi ko sa kanya tumango naman ito sakin.

Napangiti ako sa inasta ni ma'am kinikilig itlog ko mga paps, ng natapos kuna sa pag-linis ay kaagad akong naghugas ng kamay at kumuha ng tubig nakakauhaw kasi, ganyan ako paps kapag iinom kailangan may tubig kasi kapag madaling araw nagigising ako dahil sa uhaw.

Paakyat na sana ako ng nakita ko si ma'am lorenzo na nakatalikod sakin kaya kaagad ko itong pinuntahan.

"Ma'am tara napo at maaga pa kaming aalis ni thea." Pag-aya ko kay ma'am kaso sinamaan ako ng tingin.

Luhh problema nitong dragona nato tumalikod na lang ako sa kanya at umakyat nasa taas bubuksan kuna sana yung pintuan ng kwarto ko, ng bigla na lang akong hinawakan ni ma'am sa braso lumingon naman ako sa kanya.

"Ma'am bakit po?" Saad ko sa kanya inalis kuna yung kamay niyang nakahawak sakin di ako gali sa kanya kundi inaantok nako.

"I-i'm sorry please wag kang pumunta bukas." Sabi ni ma'am sakin kaya napa kunot noo naman ako sa sinabi niya.

"Pag-iisipan kupo okay goodnight byee na ma'am matulog kana din po." Pagpapaalam ko kay ma'am kaso hinawakan niya ako ulit.

"Goodnight too miss laurel." Pagpapaalam ni ma'am sakin sabay halik sa pisngi ko nagulat ako sa ginawa niya, at napatingin sa kanya naka pokerface lang ito habang ako napangiti.

Umalis na siya sa harapan ko at pumasok sa kanila kwarto ni ma'am tenario, pumasok na rin ako sa kwarto ko.

"Ahhhh... hinalikan niya ko shitt." Tili ko sabay hawak sa pisngi ko hinalikan niya, nagbihis nako at natulog habang may ngiti sa labi.

-------------------------------

A: umpisahan na ang "operation pabaliko-in at paibigin" si ma'am lorenzo.🤍

I Love You Professor Lorenzo Where stories live. Discover now