Chapter 36

349 6 3
                                    

Scarlet Pov

Maaga kaming nagising kasi nga may pasok pa, umuwi muna sila at para daw magbihis, ako naman ay kanina pako tapos magbihis kumakain ako ngayon ng breakfast ko at hinihintay ko yung text sakin ni ma'am.

Nang nainip nako ay kaagad kong tinapos yung kinakain ko hinugasan ko na rin yung mga plato para walang hugasin, isinukbit kuna yung bag ko at lumabas bumaba nako at nakita ko yung tatlo na naghihintay din pala sakin.

"Tagal mo namang bumaba paps." Reklamo ni alfred at sumakay na sa kotse.

"Uso kasi text red." Sagot ko sa kanya napa rolled eyes na lang si red habang ang dalawa naman ay umiling-iling pumasok na kaming apat sa loob ng kotse ni thea, nasa backseat sina red at alfred ako naman ay nasa passenger seat sympre si thea yung driver.

Habang nasa loob kami ng sasakyan biglang na lang ako kinalabit ni alfred.

"Paps i hired a private investigator para hindi na natin kailangan mag isip pa, inform lang niya tayo para jan at binigay kuna rin yung mga cellphone number natin sa kanya." Habang sabi ni alfred kampi talaga to sakin, kaya tumango kaming tatlo may silbi pala tong baklita nato hindi puro kalukuhan ang alam.

"Thank you red babayaran na lang kita kapag nakasahod nako." Saad ko lumingon naman ako sa kanya kaso umiling lang ito.

"Wag na para na kitang bunsong kapatid at sympre para din sa kaligtasan nating apat no." Sagot niya sakin kaya ngumiti ako sa kanya.

Nagpapasalamat ako kasi meron akong tropa na hindi ako iniiwan kapag may problema.

"And pake bantayan si ate ella baka mapahamak." Sabi pa ni alfred kaya tumango at ngumiti ako.

"Sympre lalabs ko yun kailangan ko talagang bantayan." Confidence na sabi ko sa kanya kaya napatawa na lang sila sa sinabi ko.

Nag-park na si thea nandito na pala kami kaya kaagad kaming bumaba ng biglang tumunog yung cellphone ko huminto naman ako at kinuha ito sa bulsa ko at tinignan kong sino yung nag text.

Unknown:
4-1=3.

Weird nitong nag text sakin hinayaan kuna at binalik sa bulsa ko yung  cellphone ko, na una na pala yung dalawang baklita kasi 7:30amm start ng Klase nila kami walang klase sa first subject kasi nga wala si ma'am my loves remember.

Inaya ko muna si thea na tumambay sa mall na malapit dito mag 9:30am na kami babalik dito sa university.

Habang naglalakad kami ni thea ay nakita ko si sir vincent at si ma'am my loves ko habang nakahawak si sir Vincent sa baywang ni ma'am at nakangiti pa nakita ko pang hinalikan ni sir Vincent si ma'am sa labi para akong sasabog sa galit at selos sa nakita ko, girlfriend ko yan bakit ganon ano to pinaglalaruan niya lang bako, hinawakan ko si thea sa kamay kaya napatingin ito sakin at tinignan kong sino yung tinignan ko.

Pupuntahan ko sana silang dalawa ng pigilan ako ni thea.

"Wag bestfriend alalahanin mo yung umaaligid sayo baka madamay si ma'am, tara bar tayo?" Pagaaya ni thea nag inhale exhale muna ako at tumango naman ako sa kanya kailangan ko ata ng alak ngayon, bumalik kami ni thea sa university at kinuha namin yung kotse niya napagpasyahan namin na mag absent na lang nagpalit muna kami ng damit bago pumunta sa bar.

Habang nasa byahe tumingin ako sa may bintana ma'am kakasagot mupa lang sakin bakit ganun meeting paba yan ma'am kaya pala hindi ka nag update sakin kasama mo pala ex mo at masaya pa kayo.

Nang nakarating na kami sa sexy bar ay kaagad kaming pumasok at dumeretso sa vip, nakita kong nag serve ng inumin si jp kaya tinatawag ko ito.

"Jp musta?" Tanong ko sa kanya.

"Okay lang naman sm ikaw ngayon lang ulit kita nakita dito sa sexy bar a." Saad niya.

"Okay lang naman!! Ay ito nga pala si thea bestfriend ko thea si jp ka trabaho ko noon." Pagpakilala ko nag shake hands naman ang dalawa." Tara shat." Pag-aya ko sa kanya umiling naman ito sakin.

"May trabaho pako....bakit pala nandito kayo aga-aga pa para mag wal-wal." Sabi ni jp kaya napatawa kaming dalawa ni thea.

"Trip trip lang namin!!! Ohh siya isang black lebel at dalawang bucket ng redhorse, dalawang sisig, and tequila." Sabi ni thea nagpaalam naman si jp hinintay na lang namin yung inumin.

"Hey bestfriend i know masakit yung nakita mo kanina ilabas mo lang yan nandito ako ohh." Sabi ni thea sabay akbay sakin napatingin ako sa kanya at ngumiti ng bahagya.

"I'm okay pandak." Masiglang sabi ko sa kanya dumating naman yung inorder namin ni thea kaagad naming ininom.

"Sos okay daw kilala kita sm." Sabi sakin ni thea kaya umiling lang ako.

"Masakit kasi!! HAHAHAHAHAHA.... girlfriend mo at kakasagot lang sayo tapos makikita mo pang magsama sila ng ex niya akala ko nga okay na wala ng hadlang kaso mukang meron pa, hindi kuna alam ang gagawin ko pandak gulong-gulo nako." Saad ko habang tumutulo yung luha second time kuna namang umiyak niyakap naman ako ni thea.

"Shhhh okay lang yan bestfriend nandito kami okay tutulungan ka namin kaya mo yan." Pag cheer up sakin ni thea kumalas naman ito ng yakap sakin.

Uminom lang kami ng uminom hindi na namin alam kong anong oras naba si thea lasing na ako naman medyo pa lang may pumunta sa harapan namin ni thea na dalawang babae.

"Hi girls can we join?" Saad nila samin ni thea hindi ko sila pinansin pero yung kasama ko bigla na lang tumayo at nagulat napatingin ito sakin, sumenyas itong tignan ko daw sa likod ng dalawang babae nagulat din ako dahil sina ma'am tenario at girlfriend ko.

"No...at kapag hindi pa kayo umalis sa harapan nila babaliin ko yang mga kamay niyo." Malditang sabi ni ma'am tenario paano nila nalaman na nandito kami ni thea humarap naman yung dalawang babae kila ma'am.

"Who you bitch?" Rinig kong tanong ng babae kay ma'am tenario.

"Your worst nightmare." Malamig at nakakatakot na sabi ng girlfriend ko, agad namang umalis yung dalawang babae, at nasa harapan na namin ngayon ang dalawang galit na professor naka cross arms pa.

"Hala ma'am baby bakit kayo nandito?" Sabi ni thea hindi ito sinagot ni ma'am tenario masama lang siyang tinignan ni ma'am tenario, kukuha pa sana ng beer kaso pinigilan ni ma'am tenario, bumaling  naman ang tingin ko sa babaeng kasama ni ma'am at tinaasan lang ako nito ng kilay umiwas na lang ako ng tingin sa kanya galit at nagtatampo pa rin ako sa nakita ko kanina.

"Uuwi napo ako." Sabi ko tumayo na ng bigla akon nahilo kaya napaupo na lang ulit ako.

"Here i assist you womanizer." Galit at malamig na sabi ni ma'am habang inaalalayan akong tumayo, siya pa ngayon may ganang magalit.

Hindi na lang ako nag salita bahala siya jan inaya niya na kaming umuwi at tumayo na kami ni thea habang inaalalayan naman siya ni ma'am tenario ako naman ay kay ma'am lorenzo na una naman yung dalawa at nakasunod kami sa likod nila.

"Acting cold huh." Bulong na sabi ni ma'am kausapin mo sarili mo, ng nakarating na kami sa tapat ng kotse ni ma'am ay kaagad ako nitong inaalalayang sumakay sa passenger seat siya na mismo ang nag kabit ng seatbelt ko, ngayon lang umipekto yung alak kaya nakatulog ako habang kasama ko si ma'am bahala na si thea kasama naman niya si ma'am tenario.

-------------------------------

A: Evening po.🤍

I Love You Professor Lorenzo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon