Chapter 39

335 5 0
                                    

Scarlet Pov

Fast forward........

"Sa wakas natapos na rin yung final exam mag second year na tayo next month bestfriend." Excited na sabi ni thea sakin habang papalabas kami ng room, nakalambitin siya sakin ito yung ayaw ko kay thea ang clingy.

Pababa kami ng makasalubong ko si sir vincent na may dalang bulaklak ngumisi muna siya sakin bago ako lampasan.

"Anong ginagawa ng hayop na yun dit?" Curious na tanong ni thea nag kibit-balikat na lang ako sa kanya at nagpatuloy lang sa paglalakad bigla namang tumunog yung cellphone ko kaya kaagad kong kinuha sa bulsa ko at tinignan kong sino yung nag text baka si unknown na naman to.

Ma'am moody dragon😘:
Hey love where are you? Tapos naba yung exam niyo?.

To Ma'am moody dragon😘:
Yes love kakatapos lang po papunta kaming canteen ni thea!!

Ma'am moody dragon😘:
Okay love see you mamaya!! Iloveyou😘

To Ma'am moody dragon😘:
Iloveyou too love punta ako mamaya sa office mo❤️
Sent

Hindi na siya nag reply kaya hinayaan kuna lang baka busy din kasi siya kaya mamaya ko na lang siya pupuntahan.

Habang papunta kami ni thea sa canteen may naririnig akong bulungan kaya nagkatinginan kami ni thea.

"Oo nga ang gwapo ng manliligaw ni professor lorenzo."

"Tama ka best....tapos ang yaman pa."

"Isang sikat ang mga hernandez at business man ba naman ang manliligaw sayo."

"Ayiee kinikilig ako sa kanila ni professor lorenzo may pa bulaklak pa."

"Hayaan muna sila bestfriend at least girlfriend muna." Saad ni thea sakin kaya tumango ako at ngumiti bakit kasi ayaw niyang nagpatuloy lang kami sa paglalakad.

Bakit kasi ayaw niyang i-public yung relasyon namin para alam nilang lahat na may jowa na siya.

"Pandak what if totoo pala yung mga haka-haka." Napatingin naman ito sakin dahil sa sinabi ko at tinaasan ako ng kilay.

"Anong haka-haka yung nililigawan ni sir vincent si ma'am lorenzo!! Naman bestfriend wag kang maniwala no." Saad niya sakin nagkibit-balikat na lang ako what if lang naman.

Nakarating na kami sa canteen agad nag order si thea at ako naman ay naghahanap ng vacant seat.

"Hey sm here." Rinig kong tawag ng pamilyar na boses kaya lumingon ako si belle pala yung tumatawag sakin lumapit ako sa kanya at inaya niya kong umupo.

"Kamusta ka naman sm? ngayon lang tayo nag kita ulit." Saad niya at ngumiti sakin.

"Okay lang naman busy kasi lately." Sagot ko sa kanya nakita ko naman si thea na hinahanap ako nag paalam muna ako kay belle at pinuntahan ito, marami kasi estudyante dito anong oras na din kasi.

"Hi belle ngayon lang ulit kita nakita ah." Bati ni thea kay belle ng pagkaupo pa lang namin.

"I'm fine thea." Saad ni belle sa kanya tumango naman si thea sa kanya nag umpisa na kaming kumaing tatlo marami din kasi kumakain dito at need nila ng maupuan, walang nagsalita samin tanging ingay lng ng mga estudyante yung maririnig mo nakakarindi rin.

Nang natapos kami ay tumambay muna kami sa likod ng university mahangin kasi si belle yung nag dala samin dito rin siya minsan nag papahinga, kunti lang naman yung mga estudyante ditong tumatambay ng biglang nag ring yung cellphone ko kaya kaagad ko itong kinuha.

Ma'am moody dragon😘 calling......

Napangiti naman ako ng bahagya ng tumawag yung girlfriend ko tumayo muna ako bago sagutin ang tawag at lumayo sa dalawang chismusa na nakatingin pala sakin kanina pa.

("Where are you love?") She said in cold voice luhh anyari dito.

("Hello too love... Nandito po kami sa likod ng university kasama si thea.") Masiglang sabi ko tumahimik naman ang kabilang linya.

("Are you sure si thea lang kasama mo?") Ini-imagine ko nakataas naman tong kilay niya, medyo kinabahan ako sa sinabi ni ma'am.

("Ahhh hehehehe....love si belle at thea kasama ko.") Malambing na sabi ko biglang niya akong binabaan ng tawag lagot, napanguso naman ako bumalik na lang ako sa pwesto namin kanina.

"Sino yung tumawag? At bakit ka naka-nguso mukha kang pato HAHAHAHAHAH" Tanong at pang-aasar ni belle sakin tumingin ako kay thea para humingi ng tulong.

"Ah.... bestfriend sinabi nga pala kanina ni ma'am tenario na need pumunta ka sa office niya." Pagsisinungaling ni thea tumango naman ako at tumayo.

"Alis muna ako belle next time na lang ulit!! byee." Pagpapaalam ko sa kanya tumango naman ito at kumaway, sinenyasan ko si thea na samahan muna si belle tumango naman ito at kumindat sakin... lagot ka na naman mamaya kay ma'am tenario pandak.

Susuyuin ko muna yung nag seselos kuna girlfriend lumabas muna ako ng university para mag hanap ng flower shop at bumili na rin ako ng chocolates, ng nakabili nako ay kaagad akong pumunta sa office ni ma'am kakatok na sana ako ng may narinig akong parang may nagaaway sa loob.

"Ella kailan mo sasabihin sa kanya? kapag huli na ang lahat ella naman masasaktan mo lang yung tao." Sabi ng boses sa loob parang si ma'am tenario yun.

"Hindi ko alam jena ayaw kong mag sinungaling sa kanya kaso maraming sagabal sa pagmamahalan naming dalawa.... Baka magalit siya kapag nalaman niya yung totoo." Sagot naman ni ma'am anong katutuhanan ma'am sino kaya tong chini-chismis nilang dalawa tong mga professor nato.

"Oo kapag pinatagal mupa yan.... Bakit kasi ngayon mo lang sinabi sakin about sa-" Makikinig pa sana ako kaso bigla may humila sakin.

"Ano ba thea bakit ka ng hihila?" Iritang sabi ko ayan tuloy hindi kuna natapos yung sasabihin sana ni ma'am tenario.

"Bestfriend si alfred kasi nag chat sakin na pumunta daw tayo sa bahay nila importante daw." Hingal na sabi ni thea, siguro tumakbo to tumango ako sa kanya at umalis na kaming dalawa total wala ng klase kaya pwede na kaming umuwi tumambay lang talaga kami dito kasi nga binabantayan ko si ma'am at sympre para maka baby time na rin sana.

Nakarating na kami sa bahay nila alfred kaagad kaming pinapasok ng guard nila nakita ko naman si alfred at randy na hindi ma ipinta ang mukha anyari sa dalawang ito.

"Paps hindi mahanap ng private investigator ko yung bumugbog sayo at sinabi niya rin na aksidente talaga yung nangyari kila tita at tito." Napasimangot naman ako sa binungad niya samin umupo ako sa tabi ni alfred.

"Bestfriend what if si vincent pala yung nagpabugbog sayo wait alam ba niya na kayo ni ma'am lorenzo?" Tanong ni thea luhh dinamay pa si sir vincent pero napaisip rin ako.

"Hindi ko alam tayo-tayo lang naman ang nakakaalam sa relasyon namin ni ma'am."

"So anong plano mo paps sm?" Seryusong sabi ni alfred sakin kaya tumingin ako sa kanila.

_______________

Eme

I Love You Professor Lorenzo Where stories live. Discover now