Chapter 35

363 7 0
                                    

Scarlet Pov

Papasok na kami ni ma'am sa kotse niya ng biglang nag ring yung cellphone niya kaya napatingin ako sa kanya kinuha naman niya ito, tinignan kaagad naman niyang ibinalik naman kaagad sa bag niya yung cellphone.

"Baka importante yun love sagutin mo muna." Sabi ko sa kanya lumingon naman ito sakin at umiling.

"Nope." Sabi niya sakin kaya tumango na lang ako ang weird ng kinikilos ni ma'am.

"Btw love hindi pala ako makakapasok bukas kasi may importante akong pupuntahan." Sabi ni ma'am sakin kaya napasimangot ako ng bahagya hindi ko na naman siya makikita buong araw.

"Okay po basta wag mong kalimutan yung mag text sakin." Sagot ko sa kanya kaya napatawa ito at tumango.

Nakarating na kami sa tapat ng apartment ko ay humalik muna ako sa kanya at kinuha yung mga pinamili namin.

"Byee love ingat sa pag da-drive okay iloveyou goodnight." Malambing na sabi ko at lumapit sa kanya sabay halik sa kanyang labi, tumagal yung halikan namin na para bang ayaw niya nakong paalisin, ako na yung pumutol sa halikan naming dalawa at bahagya naman itong natawa.

"Love naman magkikita pa tayo sa tuesday." Sabi ko habang natatawa pa.

"Okay!!! Iloveyou too so much goodnight." Malambing na sabi niya lumabas nako ng kotse niya at bumaba hinintay ko muna siyang makaalis at pumasok na rin ako sa apartment ko, ng may biglang humarang sakin na tatlong lalaki hindi ko makita yung muka nila kasi madilim sa parteng kinatatayuan namin.

"Ilang buwan na ka naming ninanamnam totoo pala yung balita na may relasyon kayong dalawa." Sabi sakin ni b1 natakot naman ako sa sinabi niya.

"Binabalaan ka namin ngayon hiwalayan muna siya at kapag hindi papatayin ka namin isusunod ka namin sa magulang mo, wag mong subukang mag sumbong damay pati mga kaibigan mo." Dugtong ni b2 umatras naman ako nagulat ako sa sinabi ni b2 bakit nadamay yung pangalan ng magulang ko dito, at yung kaibigan ko ayaw kong may mapahamak sa kanila.

"Ano bang kasalanan ko? Sino bang tinutukoy niyo layuan ko at bakit nadamay magulang ko dito?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanila tumawa naman yung si b3 ang creepy nila all black pa.

Hindi sila sumagot ay hinawakan ni b1 at b3 yung dalawang braso ko nagpupumiglas ako pero ang lalaki nilang tao hindi kaya ng powers ko maglalaglagan na yung mga paper bag, sinikmuraan ako ni b3 kaya napadaing ako sa sakit.

"F*ck ano bang kasalanan ko sa inyo?" Sabi ko hindi pa rin sila ng salita ay sinikmuraan at sinampal ako ni b3 kaya may nalasahan akong dugo sa labi ko, shutaa naman ang poganda kong peslak.

"T-tama n-napo." Nang-hihina sabi ko ikaw kaya sikmuraan ng dalawang beses at may sampal pa.

"Sana sundin mo yung sinabi namin." Sabi ni b1 sabay bitiw nila sakin, kaya napaluhod ako at hinawakan yung tyan ko ng okay na ay dahan-dahan akong tumayo at isa-isang pinulot yung mga paper bag na dala ko.

Umakyat nako at para magamot ko yung sarili ko, ng okay na ay kaagad akong kumuha ng first aid at ginamot yung labi ko shutaa magkakapasa pa ata ako napaisip ako baka si ma'am yung tinutukoy nila.

Kinuha ko yung cellphone kuna nakapatong sa lamesa at binuksan nakita ko yung wallpaper ko dalawa kami ni ma'am naka halik siya sa pisngi ko kaya napangiti ako.

*Hotdog at kiffy ng mga bading group chat*

PogandaSm🍑
@everyone punta kayo dito sa apartment ko urgent.
Sent

Randysins💅
Okay coming.

Altheangpandak🐧
Coming....

HotdogNiAlfred🌭
Okay.

Kaagad naman akong nagbihis pambahay at hinihintay sila sa sala ko dito habang kumakain ng lomi.

Nang biglang may kumatok sa pintuan ng apartment ko ibinaba kuna muna yung kinakain ko at tumayo ako ng dahan-dahan, at binuksan ko yung pintuan bumungad sakin ang pag-aalalang mukha ng mga siraulo.

"Okay ka lang ba paps?."

"Saan masakit sayo?"

"Sinong ang may guwa niyan at hahalikan ko?"

Sunod-sunod na tanong nila hindi ko muna sila sinagot at tumingin muna ako sa kaliwa't kanan at hinatak sila papasok, baka kasi may sumusunod sa kanila mukang wala naman kaya napa buga na lang ako ng hangin, jusko ano ba itong pinasok ko inaya ko silang umupo muna.

"May pumunta kasing tatlong lalaki dito at hinarangan ako sinabihan akong lalayuan ko daw siya, at madadamay kayo pati nga pangalan nila mama at papa dinamay din." Tumingin ako sa kanila na malungkot nakita ko naman yung gulat at pag-alala sa mata nila.

"Tapos binugbog kapa nakita muba yung itsura?" Tanong ni thea sakin umiling lang ako sa kanila at yumuko.

"Ehh sinong siya si ma'am ba tinutukoy nila? Anong kinalaman ni ma'am dun?" Saad naman ni randy kaya napatingin kami kay alfred ng tumayo ito sa harap namin.

"Ikaw alfred diba mag pinsan kayo ni ma'am?" Tawag pansin ni thea kay alfred na nag-iisip pa.

"Wala din akong alam pandak mag pinsan nga kami pero hindi naman masyadong close.... What if tanungin na lang natin si ate?" Sabi ni alfred kaya tumayo ako at lumapit sa kanya.

"Wag baka saktan kayo.. wag niyo munang ipagsabi satin-satin lang muna to." Sabi ko sa kanila tumango na lang sila.

"So what if nga may kinalaman sila sa pagkamatay ng magulang mo bestfriend?" Tanong sakin ni thea kaya napatingin kami sa kanya oo nga no.

"Oo nga paps..wag kang magalala tutulungan ka namin." Sabi ni alfred sakin kaya tumango ako at ngumiti.

"Si ma'am lang ang makakasagot nito." Malungkot na sabi ni thea.

"If si ma'am yung edi solve na yung problema kaso ayaw kong may madamay na ibang tao." Ani ko sa kanila.

"Oo nga naman tutulungan ka namin sm." Pag cheer sakin ni randy si thea naman ay tumayo at yumakap sakin.

"Bestfriend tutulong din ako....kaya group hug!!" Masayang sabi niya kaya nag group hug naman kami ay si thea ang nasa gitna liit kasi.

"Ano ba guyss hindi ako makahinga alis na tama naaa.." Sabi ni thea at tinutulak kami kaya natawa kami sa inasta niya lalo pa namin siyang isiniksik sa gitna.

"Basta mag iingat kayo palagi ayaw kong may mapahamak isa sa atin." Sabi ko at ngumiti.

"Okay boss." Sabay nilang sabi humiwalay na kami sa pagyakapan at inaya ko silang kumain kaso ayaw nila dito na lang sila muna matutulog sasamahan nila ako.

--------------------------

A:???

I Love You Professor Lorenzo जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें