Chapter 50

379 11 2
                                    

Scarlet Pov

Nakalabas nako ng hospital at sympre naka cast parin ang paa at kamay ko kunti nalang rin yung mga pasa, nandito kami ngayon sa bahay ni ma'am lorenzo kasi nga ayaw niya akong pauwiin sa apartment, inaya ko siyang pumunta sa sementeryo kasi gusto kong dalawin ang mga magulang ko mother's day din ngayon at gusto ko rin ipakikila siya sa personal ng mga magulang ko.

"Love ready kana ba?" Sigaw ni ma'am sa baba kasi naman naka wheelchair ako.

"Oo." Sigaw ko pabalik sakanya astig diba nagsisigawan kami dito, nong nakalabas ako ng hospital tudo alaga siya sakin kaya lalo akong na fall sakanya.

Tok...tok...tok...

"Love halikana." Aya niya sakin tumango naman ako at pumasok na yung mag-aalalay sakin may private nurse din siyang kinuha ayaw ko sana kaso ayun naging dragona na naman nong umangal ako.

Inalalayan nila akong makababa at ng nakarating na kami ay kaagad kaming sumakay sa sasakyan. Hinawakan ko naman siya sa kamay nandito kami ngayon sa likod at van ang dinala namin para hindi hassle samin kapag baba nako.

"Love." Tawag ko sakanya tumingin naman ito sakin at tinaasan ako ng kilay. "Love naman wala akong ginagawang masama tinawag pa nga lang kita eh." Nakangusong sabi ko tumawa naman siya at sumandal sakin.

"What is it love?" Tanong niya sakin.

"Bumili muna tayo ng orchids favorite kasi ni mama at papa yun." Sabi ko sakanya sabay halik sa noo niya.

"Okay po....Kuya mag stopover ka sa malapit na flower shop." Aniya at hinawakan ang kamay ko.

Huminto kami sa malapit na flower shop at yung tauhan nalang ang bumili hindi naman kasi ako makakalakad pa, sinabihan kuna lang sila kong ano yung color at anong klaseng orchids ang bibilhin.

"Iloveyou." I said to her habang nakasandal siya sakin tumingin naman ito sakin.

"Iloveyou too love." Sabi niya at hinalikan ako sa labi kaya napangiti ako ang sweet niya pero kanina parang dragona.

"Btw love kapag magaling kana ipakilala kita kila daddy." Saad niya kaya medyo kinabahan ako kasi hindi ko alam ang magiging reaction nila.

"Love baka hindi nila ako tanggap." Nakangusong sabi ko sakanya.

"No love trust me okay." Sabi niya kaya pinisil ko naman ang ilong niya.

"Ehhh!!! Love ilang days kana rin hindi umuuwi sa inyo hindi kaba hinahanap?" Tanong ko sa kanya.

"No and besides ikaw ang tahanan ko." Sagot niya jusko kinikilig atay ko.

"Dumalaw ka nama minsan sakanila love!!! Magulang mo parin yun okay kahit nagtatampo kasa daddy at mommy." Ani ko sinabi niya sakin ang lahat kaya ayan gusto ko silang mapag-ayus.

"Okay try ko bukas." Kaya napangiti ako sa sinabi niya.

"Good po." Sabi ko at ngumiti sakanya, nakarating na pala ang driver namin na bumili ng orchids kaya pumunta na kaming sementeryo.

Nang nakarating kami ay kaagad nila ako pinababa itinuro ko naman ang puntod ng mga magulang ko, magkahawak kamay naman kami ni ma'am habang papunta kila mama at papa.

"Hi mama papa imissyou napo, pasensya nakong ganito ang sitwasyon ko ngayon may nangyari kasing hindi maganda kaya ganito ako ngayon. May ipakikilala nga pala ako sa inyo si ma'am lorenzo girlfriend kupo." Sabi ko sakanila hinawakan ko naman si ma'am sa kamay at pinag-intertwined.

"Hello tita tito.... I'm your daughter girlfriend and i hope na mapatawad niyo ko sa ginawa ko." Sabi ni ma'am na parang iiyak na luhh anyari kaya napatingin ako sa kanya. "Sorry po tita tito hindi ko naman sinasadya yun." Aniya hinaplos ko yung kamay niya kaya napatingin ito sakin habang umiiyak na pala.

"Love what's wrong?" Curious kong sabi lumuhod naman siya at hinawakan ang right hand ko ng mahigit naka cast parin kasi yung left.

"Lo-love i have something to tell you don't be angry with me okay." Saad niya sabay singhot. "Love matagal kuna sana tong sasabihin sayo kaso natatakot ako at sinabi lang naman ni daddy sakin to, kasi may amnesia ako hindi pa naman complete yung alala ko pero may ibang larawan akong naalala, lo-love ako yung dahilan kong bakit nawala sila tito at tita." Hindi ako nagulat sa sinabi niya at naramdaman ko nalang na tumutulo na pala ang luha ko.

"Love I'm sorry hindi ko naman sinasadya nawalan ako ng preno that time at naalala ko may nabunggo nalang akong dalawa tao." Pagpapaliwanag niya hinawakan ko siya sa pisngi at pinunasan ko yung luha niya.

"Love alam ko okay naalala mo rin yung nag deliver sakin noon nong nasa apartment ka natulog." Sabi ko tumango naman siya. "Yung envelope na yun laman niya ay mga pictures ng mga magulang ko at kong sino ang nakabunggo." Lumuluhang sabi ko sakanya kaya lalo siyang umiyak.

"No love kong dumiretso sana ako ng uwi walang mangyayaring ganon." Sabi niya sakin kaya natawa ako.

"Love nangyari na tanggapin nalang natin at napatawad na kita.... Mas nangingibabaw ang pagmamahal ko sayo kaysa sa pagkawala ng magulang ko kasi tanggap kuna." Mahabang saad ko sa kanya at ngumiti bigla niya naman ako dinamba ng yakap.

"I'm sorry promise babawi ako." Saad niya habang nakayakap parin sakin.

"Love mahalin mo lang ako okay nako dun." Ani ko at kumalas ng yakap sa kanya sabay hawak sa kamay niya at hinalikan ang likod ng palad niya. " Iloveyou professor Lorenzo, my pahinga, love, dragona." Sabi ko sakanya kaya yumuko siya ng kunti at hinaplos ako sa pisngi.

"Iloveyou too love, my womanizer." Saad niya kaya napasimangot ako bigla niya naman akong hinalikan sa labi humarap naman siya sa puntod ng magulang ko, kaya napangiti ako ng patago nakakakilig bawal niya makitang kinikilig ako astig tayo mga paps.

"Tita tito thank you dahil pinalaki niyong mabuti si sm and thank kasi tinuruan niyo kong pano magpatawad." Saad niya ma'am at hinawakan ang kamay ko.

"Kasal nalang ang kulang." Biro ko sakanya.

"Soon love." Aniya sabay halik sa labi ko.

Tumambay muna kami ng kunti at napagdesisyunan naming umuwi na marami pa daw siyang gagawin, at ako naman ay i-check daw ng doctor ang kamay at paa ko kong pwede ng kunin ang cast. Habang si ma'am naman ay dumiretso muna sa office niya napangiti ako sa nangyayari ngayon. Ang sarap sa feeling kapag nagpatawad ka kahit maliit at malaki man ang kasalanan sayo ng isang tao kailangan parin natin siya patawarin kasi nakakabigat kaya sa loob kapag may alitan kayong dalawa.

Habang hinintay ko yung doctor ay naglaro muna ako ng ml free wifi kaya okay lang, ng nakarating na ang doctor ay kaagad akong inasikaso ayun pwede na daw kunin ang cast ko sa kamay at paa, mabilis lang daw ako naka-recover kasi nga sinusunod ko lahat ng mga sinasabi nila, and guess what nag-away pa kami ni ma'am dahil yung unang nag check sakin ay babaeng doctor ayun nag selos pinalitan ng lalaking doctor.

Selosa talaga ang dragona kuna yun pero kahit ganon siya mahal na mahal ko yun.

____________________________

A: I dedicate this chapter to my father happy mother's day pre take care always and to my mother in heaven mama nancy imissyou.🤍

(To all mom's happy mother's day.💐)

I Love You Professor Lorenzo Where stories live. Discover now