Chapter 47

415 11 1
                                    

Ellaine Anne Lorenzo Pov

Nang gumagabi na ay kaagad akong pumunta sa bahay ng mga tenario nakita kong may nakaparadang mga police mobile sa labas ng bahay nila. Bumaba ako kaagad para malaman kong ano ang nangyayari, nakita ko sina Lyra, jen at leslie na kinakausap ang mga police tumikhim ako at napalingon sila sakin.

"Hi ella come here sis may sasabihin kami sayo." Mataray na sabi sakin ni jena tinignan ko siya ng walang emosyon at umupo naman ako sa tabi niya.

"What is it?" Malamig na saad ko.

"Na kidnap si sm." Seryusong sabi niya kaya napatayo ako bigla.

"Bakit ngayon mo lang sinabi sakin." Kinakabahan kong sabi tumayo naman ito para pakalmahin ako.

Marami ng pumapasok sa utak ko baka mapahamak siya, kong okay lang ba siya.

"Relax kaya nga pinapapunta ka namin dito at para na rin malaman mo ang lahat okay." Saad ni jena sakin huminga naman ako ng malalim.

"Exact 7:30pm tayo pupunta sa abandonadong bahay meron ng nakabantay dun and sasabihan lang tayo kong kailan kikilos, and be ready to yourself ella." Seryusong saad ni leslie tumango naman ako, ng biglang may tigreng sumulpot.

"Wahhhhh....jena." Sabay na tili namin pati ang mga police ay napatakbo palabas ng bahay nila jena, hinahabol naman ng mga caretaker niya siguro.

"Ma'am sorry po nakatakas si Penguin." Paghingi ng paumanhin samin ng caretaker lumapit ang tigre samin kaya nagtago kami sa likod ni jena.

"Jena naman alisin mo yan." Takot na sabi ni lyra pumunta naman si jena sa harap ng tigre at hinaplos ang ulo nito.

"Hey...baby it's time to sleep." Kausap ni jena sa tigre para naman itong tao na sumunod kinilabutan ako sa ginawa ni jena weird talaga nito kahit kailan. "You.... Ms.caretaker please padedehin mo muna siya bago patulugin." Dugtong ni jena tumango naman yung caretaker.

Humarap naman ito samin at tinaasan kami ng kilay.

"Tara na nga baka maabutan natin si miss laurel na wala ng buhay." Sarcastic na sabi niya at tumingin sakin kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Lumabas na kami ng bahay at pumunta sa abandonadong gusali, ng nakarating kami ay kaagad kaming bumaba at sinenyasan kami ng isang pulis na magpaiwan pero hindi kami pumayag.

"I'm nervous." Saad ni lyra tumingin kami sa kanya at tinaasan ng kilay nag peace sign naman siya lahat kami ay naka-training ng self-confidence.

Binigyan kami ng mga protection sa katawan at baril ni jena saan niya to nakuha.

"Halikana para matapos natong kagaguhan nato ni-" Hindi pinatapos ni jena ang sasabihin sana ni lyra. Pinandilatan niya ito ng mata.

"Itaas ang kamay." Rinig naming sigaw ng mga police kaagad kaming pumasok at tignan kong ano ang nangyayari, nakaluhod sila at yung iba pinupunasan na.

May narinig kaming sumigaw sa taas at alam kong si miss laurel yun, kaagad kaming pumunta sa taas para tignan.

Nang nakarating kami ay binuksan kaagad ng mga police ang pintuan at tumambad samin ang duguan at walang malay na si sm at walang pang-itaas. Kaagad ko itong pinuntahan hinubad ko yung jacket ko at isinuot sa kanya tinignan ko kong may pulso paba ito pero pahina ng pahina na.

"L-love i-i'm here na please open your eyes baby." Umiiyak kong sabi ko sa kanya hinawakan ko siya sa tagiliran, at may naramdaman ako basa kaya tinignan ko ito napasinghap ako sa nakita ko may saksak siya. "Help me here call the ambulance now." Sigaw ko sa kanila narinig ko naman ang pagmumura ng mga kaibigan ko habang lumalapit sakin.

I Love You Professor Lorenzo Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu