PART 17: RESPOND

29 7 0
                                    

PART 17

Nasa bahay na kami at nadatnan namin ang magulong bahay at ang mainit na ulo ni dad.

"What's the problem, dad?" Takang tanong agad namin ni kuya.

"Nothing!" Sagot ni dad. Napansin ko ang dugo sa sahig at nakita ko ang kamao nito na duguan.

"Anyari sa kamay mo—" Napahinto ako ng bigla itong sumigaw.

"Shut up!" Sigaw nito.

"Dad, ano bang nangyayari sayo?" Tanong ni kuya.

Hindi sinagot ni dad ang tanong ni kuya bagkus pumasok lang ito sa loob.

"Baka sa company." Bulong ko na ikinalingon nito.

"What do you mean?" Tanong ni kuya.

"Di naman ganyan si dad, right?, baka pabagsak nanaman ang company kaya ganyan siya!" Sambit ko.

"No, maayos ang company, Nic's." Sambit ni kuya.

"Manang!" Sigaw nito. "Pakilinis po yung kalat." Dugtong ni kuya at sumunod kami ni Freya sakanya papuntang pool area.

"If, company nga ang problema, love—'' Pinutol ni kuya ang sasabihin ni Freya ng mag salita ito na ikinataka namin.

"Baka, yung anak niya sa labas!" Wala sa sariling sambit nito.

Nangunot ang nuo ko sa sinabi nito kaya dali-dali ko ito tinanong. "What do you mean? May anak si dad aa labas?"

"May sinabi ba ako?" Balik niyang tanong.

"Oo, at sinabi mo ‘anak sa labas’" Sambit ko at nakita kong tumango si Freya.

"Luh, ang sabi ko kain tayo sa labas!" Anito at tumawa. "Kayo talaga, gutom lang yan!" Sabay akbay niya saakin. "Tara?" Dugtong nito

"Wait kuya!" Pigil ko sakanya.

"Why?" Takang tanong nilang dalawa.

"Pwede bang sa condo muna ako kahit ilang araw lang?" Paalam ko.

Lumapit ito saakin at inusisa ako, "Nag bibiro ka ba?" Natatawang tanong niya.

"Kuya!" Natatawa ko ding pala sa balikat nito.

Wala akong balak matulog sa condo pero may balak akong matulog sa condo ni Vincent tutal walking distance lang naman ang hotel namin dalawa.

"May sakit ka ba, Nicole?" Tanong naman ni Freya.

"Wala!" Sagot ko.

"Diba ayaw mo sa condo mo?" Sabay turo nito saakin.

"Kuya, sobrang init ng tension dito sa bahay!" Sambit ko.

Ramdam ko din iyon, simula nung na comma si mom ay laging mainit ang ulo ni dad at atat na atat ito na ipadala ako sa ibang bansa.

"Sabagay..." Kibit balikat sambit ni Freya at kumindat saakin. "Payagan mo na!" Anito at nauna nang lumabas.

Tumingin ako kay kuya at ngumiti, "Thanks!" Sambit ko habang wala pa din siyang imik na naka tingin saakin.

Nasa loob na kami at nasa passenger seat naman si Freya habang ako ay nanonood sa ka-sweetan ng dalawa. Laging hinahawakan ni kuya ang legs ni Freya at pansin ko din ang tiyan nito na naka umbok na unti.

3:00 pm kami naka rating sa hotel at hinintay muna nila ako pumasok bago sila umalis.

"Yes!" Suntok sa hangin na sigaw ko.

Habang nasa elevator ako ay tinawagan ko na si Vincent.

"Hello?" Rinig ko ang lambing sa boses nito kaya lalo ako kinilig.

"Ahm.... nasa condo ka ngayon?" Tanong ko.

"Hmm.." Sagot niya.

"Punta ako at bili ka na din ng chocolate!" Sambit ko at binaba ang tawag.

Nakapag-palit na din naman ako ng white dress kaya tinuloy ko na ang pag punta ko sa condo nito. Nasa loob na ako ng hotel at agad akong dumaretso sa floor ng condo nito. Ngayon ko lang din napansin ang pangalan nitong hotel, "Honrado Hotel".

Nasa harap na ako ng pinto at agad kong hinanap ang susi pero wala ako nakita, tanging nakita ko lang ay isang lock screen, agad ko tinipa ang mga numirong naka lagay duon ngunit bigo ako.

"Okay, last pag ayaw tatawagan ko na!" Bulong kobsa sarili at inilagay ang birthday ko.

Dahan-dahan ko tinipa ang 03/28/1998.

"Yes!" Sigaw ko at pumasok na sa loob.

Hindi gaya sa condo ko malinis ito, maganda ang mga painting na naka lagay ngayon sa ding-ding ngunit ang nag paagaw sa attention ko ay ang isang picture frame, picture namin nuon nung mga bata pa kami.

Habang nililibot ko ang condo ni Vincent ay saka naman tumawag si kuya.

"Oh?" Sagot ko.

"Good news, Nic's!" Masayang sambit nito.

Umupo ako sa sofa at pinakinggan ito hanggang sa, "Ano?! Talaga?!" Masaya kong tanong.

"Oo, naigagalaw na niya ang daliri niya!" At si Freya na ang sumagot. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako sa tuwa kaya nung pag bukas ko ng pinto upang pumunta sa hospital ay nakita ko sila Vincent and Tristan na naka tayo sa harap ng pinto.

Nag tataka silang tumingin at nag tanong, "Ano nangyari?"

Hindi ko sila sinagot bagkus niyakap ko agad si Vincent at humagul-gol.

"Ano nangyari, bakit ka umiiyak?" Tanong nito.

Tinigala ko siya at ngumiti, "Naigagalaw na ni mom ang daliri niya, may pag-asa a siyang magising!" Naluluhang sambit ko.

"Good news!" Naka-ngiting sambit niya at niyakap ako, pumasok na din sa loob si Tristan at naiwan kaming dalaw ni Vincent dito sa may pinto.

Matapos ang madramang tagpo na iyon at saka naman kami pumasok sa loob.

"By the way, ang ganda ng dress mo, i like it!" Puna ni Tristan sa suot ko.

"Thanks!" Nahihiyang pasasalamat ko sakanya.

Nakita ko itong nanonood ng zombie movie kaya naman ay tinulungan ko nalang magluto si Vincent tutal ay hindi naman ako mahilig sa zombie's movie.

Habang nag luluto kami ay nagulat kami ng biglang sumigaw si Tristan.

"Anyari?" Tanong ni Vincent.

"Ah, e, wala... nagulat lang ako!" Sagot naman ni Tristan.

Napailing nalang ako at pinag-patulog ko nalang ang pag hiwa sa sangkap para sa sinigang. Sinigang niluluto nito dahil ayun ang favourite kong ulam.

"Tikman mo!" Sabay bigay saakin ng isang kutsara.

Kumuha ako ng sabaw sa adobo at tinikman ito.

"Ano, masarap?" Tanong nito.

Huminto ako at tumingin sakanya, "Oo!" Sagot ko na nag pangiti sakanya.

"Etong sinigang!" Sabay turo nito sa kumukulong sinigang.

Kumuha ulit ako ng sabaw at tinikman ito, "Asim!" Sambit ko.

"Sinigang eh!" Anito at ngumiti.

"Eh!" Sambit ko at nag labas na nang plato.

Nasa lamesa na ang plato at ang kanin at saka ulam, tinawag naman ni Vincent si Tristan para kumain na.
_______

UNCONDITIONALLY LOVE (ongoing)Where stories live. Discover now