PART 36

23 1 0
                                    

PART 36

Habang mahimbing na natutulog ang nakataling dalaga ay sinampal ito nang lalaki na naka maskara na dahilan upang mabigla at mapamulagat ang dalaga.

"Nananaginip ka tanga!" Sambit nang lalaking naka maskara sa dalaga.

‘Panaginip?’

Tanong nang dalaga sa sarili.

Maluha-luhang tinignan nang dalaga ang binatang maskara at naintindihan naman iyon nang binata. Inalis niya ang busal sa bibig nang dalaga at agad niya ito pinainom nang tubig.

"S-sino ka?" Naguguluhang tanong nang dalaga sa binata.

"Shhh!" Sabay lagay nang binata ng daliri nito sa bibig nang dalaga.

Naintindihan naman nang dalaga ang gustong iparating nang binata kaya dali-dali siyang tumahimik.

"Mamaya, malalaman mo din." Bulong nang naka maskara sakanya at nilagay ulit nito ang busal sa bibig nang dalaga.

Maya-maya ay bumukas ang pinto at niluwal nito ang lalaking humahangos.

"Boss B!" Hinihingal nitong tawag sa naka maskara at duon lang naalala nang dalaga ang lalaking nasa tabi nito.

‘Boss B? Siya yung naka salubong namin kagabi?’

Mga tanong na nasa isip nang dalaga bago nito lingunin ang naka maskara na nasa tabi niya lang.

"Ano kailangan mo?" Halos mangilabot ang dalaga nang marinig nito ang boses nito.

"Ngayon na ba ang transaction?" Tanong nang lalaking humahangos kanina.

"Oo!" Sagot nito.

Nagtataka naman ang dalaga ngunit hindi niya maibuka ang bunga-nga niya dahil may busal ang bibig nito.

"Si Bossing?" Tanong nang lalaki sa naka maskara.

"Tawagan mo." Simpleng sagot nito. "Umalis kanga, naiirita ako sa'yo Alfred." Dugtong nito.

Walang nagawa ang lalaki kundi ang umalis at iwan ang dalawa sa silid na iyon. Binalingan nang naka maskara ang nagtatakang dalaga at ibinaba nito ang busal sa bibig nang dalaga.

"Nagugutom kaba?" Tanong nito.

Ang kaninang nakakatakot nitong boses ngayon ay napalitan nang normal na boses na s'yang pinagtaka nang dalaga.

"Gusto mo ba talagang malaman kung sino ako?" Sunod nitong tanong sa dalaga na ikinatango nito.

Hinawakan nito ang maskara at dahan-dahan naman nito inangat ang maskara habang naka tingin sakanya ang dalaga. Malapit na nito matanggal nang tuluyan ang maskara nang....

"B!!" Isang sigaw na umalingaw-ngaw sa loob na nag pahinto at nagpalingon sa dalawa sa pinto. Nakatayo si Brix sa pinto at nagbabaga na ang mga mata nito sa inis at ang kanyang panga naman ay nagatatagis na animo'y isang tigre.

"Brix!" Sambit ni B.

Lumapit si Brix dito at agad nito hinila ang lalaki at iniwan nang mga ito ang dalaga na naka tingin lang sa pinto.

"Sira ka ba Bryant?" Tanong agad nito.

"Brix, alam mong matagal ko na siyang gusto diba? Bakit mo siya pinapahirapan?" Balik nitong tanong kay Brix.

"Bryant, sabi ko sa'yo wag kang magkakagusto sakanya. I said just seduce her not fall in love to her!" Madiin nitong sambit.

"But, I already to fall in love to her!" Giit nito.

"Bryant, accept the fact! You and her is a siblings not a lover." Diin nito.

Hinawakan ni Bryant ang kwelyo ni Brix at bahagyang itinaas niya ito.

UNCONDITIONALLY LOVE (ongoing)Where stories live. Discover now