PART 22: VINCENT STORY 1

26 7 0
                                    

PART 22

Sampong taon ang nakakalipas, naka-tayo ang binata sa may pinto habang sinisigawan ito nang kanyang ina.

"What is this?" Nanggagalaiting tanong nang ina habang nasa wheel chair.

"My report cards..." biglang tumabingi ang mukha nito.

"Vincent, pinag aaral kita pero ano ito? 85?!" Sigaw nang ina nito.

"Ma, i can do my best but....."

"But what? Yun lang kaya mo? Vincent, your so stupid son!" Sigaw nito na ikinakuyom nang kamao nang binata.

He's 17, he is working student and her mom is in the hospital.

"Alam mo, kung pinalag-lag lang sana kita hindi mag kakaganito ang buhay ko ngayon!"

Dahil sa sinabi nang babae ay biglang dumausdos ang luha nito sa mata.

'Really? Ako pa talaga ang may kasalanan?' Mga katagang gusto niya bigkasin ngunit hindi niya magawa.

"Lumayas ka sa harapan ko!" Sigaw muli nang babae.

Wala sa sarili na lumabas ito sa hospital, wala din siya sa sarili na nag lalakad sa gitna nang kalsada.

"Bakit parang kasalanan ko pa kung bakit nag kakaganto kami? Bakit saakin lahat ang sisi? Nakakapagod na." Halos pabulong niyang sambit habang naka tingin siya sa mga batang nag lalaro ba kasama ang kanilang magulang.

"Puti pa kayo, ang saya niyo!"

"Vincent!!" At isang boses ang umagaw sa attention nito.

Lumingon ng binata at nakita niya ang dalaga at isang binata na tumatakbo papunta sakanya. Dali-dali niya pinunasan ang luha niya at saka ngumiti nang napaka pait.

"April!" Sabay taas nito nang kamay niya.

Nasa harap niya na ang dalaga at ang binatang kasama nito.

"Vince, si Tristan!" Pakilala nang dalaga sa kasama nitong binata.

"Tristan, si Vincent!" Sabay turo nito kay Vincent.

"Hi, pre!" Sabay lahat nito nang kamay.

"Hello!" Tinanggap ni Vincent ang pakikipag kamay kay Tristan at ngumiti.

Simula nuong araw na iyon ay lagi na silang mag kasama habang si April ay nilalayuan ni Vincent dahil sa kadahilanang nag confess ito sakanya.

"I like you..." Pag-amin nang dalaga.

Sa panahon na iyon ay hindi pa niya kilala ang lalaking si Tristan kaya todo layo siya sa dalaga kahit pinipilit nang dalaga ang sarili nito kay Vincent.

"I like her!" Biglaang sambit ni Tristan habang naka tingin kay April.

Napatingin si Vincent sa katabi nito at ngumiti.

"You really like her, hmm..." Ngiting sambit niya.

"Not like, love!" Sambit ni Tristan.

"Ang gulo mo..." Sabay tapik sa balikat nito.

"Kasi pre, pag kausap ko siya like sobrang bilis nang tibok nang puso ko..." Sambit nito at humarap ito kay Vincent.

"Pwede bang maging tulay ka namin?" Tanong niya.

"Favor ba yan o tanong?" Wika naman ni Vincent habang tatawa-tawa.

"Favor..." Agad na sagot ni Tristan.

"I can't do it." Pagtanggi ni Vincent sa kaibigan.

"What? But why?" Ani ni Tristan sa nag tatakang mukha.

UNCONDITIONALLY LOVE (ongoing)Where stories live. Discover now