PART 28: crazy

22 2 0
                                    

Part 28

Vincent POV

Halos ikadurog ko nang itulak ako nito at iwan.

"Pre..." Tinig ni France sa labas nang kwarto ko.

Tumayo ako sa kama at naglakad sa madilim kong silid. Pinihit ko ang seradura at nakita kong may dala itong pagkain.

"Kumain ka muna..." Natigil ito nang pagsaraduhan ko ito nang pinto.

Bumlik ako sa kama at pinagmasdan ang buong silid. Nakikita ko ito sa bawat sulok nitong kwarto, naka ngiti siya na animo'y totoo.

"I love you..." Rinig kong tinig nang isang babae.

Binuksan ko ang lampshade at nakita ko itong naka tayo sa gilid nang kama ko.

"I said, i love you!" Ulit nito at ngumiti.

Itinaas ko ang kanang kamay ko at unti-unting inilapit ito sa mukha niya pero nang malapit na ay bigla itong nawala.

"N-nicole?" Sambit ko at lumingon kung saan ngunit hindi ko ito nakita kahit saan.

Lumingon ako at nakita kong naka tingin saakin si Tristan kaya dali-dali ko ito pinuntahan.

"Nakita mo si Nicole?" Agarang tanong ko.

"Vince...." Huminto ito at hinawakan ako. "Ilang araw ka na ganyan..." Alalang sambit niya. "Walang Nicole ang pumasok sa kwarto mo at nasa states na siya." Dugtong nito na ikinailing ko.

"No..." Sabay iling ko. "Hindi niya ako iiwan, hindi, hindi!" Sigaw ko at niyakap niya ako.

"Pre, mag iisang buwan na nang lumipad sila...."

"No!" I cut him off. "Hindi totoo yan." Giit ko. "Hindi niya ako iiwan." Dugtong ko.

Tumayo ako at nag lakad palabas nang kwarto nang kukunin ko sana ang jacket ko ay bigla akong pinigilan ni Tristan.

"Pre, sa'n ka pupunta?" Tanong nito.

"Dun sakanila Nicole..." Simpleng sagot ko.

Pagka-lingon ko ay kamao niya agad ang tumama saakin.

"Pre, baliw kana ba?!" Sigaw nito. Nakita ko ang galit na galit nitong mata at ang nag babaga nitong panga.

"Tristan!" Sambit ko at tumayo.

"Pre, tangapin mong hindi na siya babalik!" Gigil nito at tulak niya nito saakin.

Bumagsak ang katawan ko sa lahig at ganun nalang ang panlulumo ko nang marealized na, oo nga pala tapos na ang lahat.

Kinagabihan, tumakas ako at pumunta sa bar. Divine bar.

"Good evening, sir!" Bati nang staff saakin.

Hindi ko ito pinansin dahil tuloy-tuloy lang ako sa pag lalakad. Pumunta ako sa isang pwesto at saktong andito ang mga kaibigan ko nang college.

"Pre!" Sabay tango ni Kian.

Kasama nito si Troy, Ben, Prince, and William at may mga ka-table na mga ito.

Umupo ako sa gilid at nilak-lak ko ang isang boteng beer.

"Hi, pogi!" Isang tinig nang babae.

Lumingon ako rito at nakita ko ito, Shiela.

"Shiela!" Sambit ko at hinila ko na ito.

Isa itong bayarang babae at gaya nang mga kaibigan ko ang mga kasama nang mga ito ay bayaran din.

Nakita ko ang mga kaibigan ko na isa-isang umalis habang ako ay nilalamon na nang alcohol.

"That's enough!" Isang kamay ang umagaw sa baso na dapat ay iinumin ko ang laman. Tiningala ko ito at nakita kong si Samantha.

UNCONDITIONALLY LOVE (ongoing)Where stories live. Discover now