02

183 6 0
                                    


“Binibini?”

Agad akong napamulat at maayos na tumayo, muli akong napaatras nang makitang nasa harapan ko na si Padre Pedro at ang kanyang kausap na sigurado akong isa ring pari.

Ramdam ko ang matiim nitong tingin na ibinibigay sa akin ngunit mas nanatili ang atensyon ko kay Padre Pedro na tila makahulugan naman ang tingin na ibinibigay.

At gaya ng nakikita kong ginagawa ng mga tao, ay inilahad ko ang aking dalawang kamay kay Padre na agad namang sinalubong ng kanya. Inilapat ko ang kanyang kamay sa noo ko.

“Paumanhin Padre sa aking naging pahayag kanina, narito lamang ako upang humingi sa iyo ng gabay.” aniya ko at bahagyang yumukod.

“Hindi ka taga-rito, tama ba?” ang naging tanong sa akin ni Padre.

Dahan-dahan akong tumango bago ibinaba ang tingin, may kung ano akong pakiramdam na nararamdaman ngayong kaharap ko na ang tinatawag nilang si Padre Pedro.

Magaan ang loob ko at tila ba mapagkakatiwalaan ko siya sa mga sikretong ako lamang ang nakakaalam.

Ngunit dapat ko bang sabihin sa kanya ang alam kong mula sa aking pagkakakilanlan na sigurado akong hindi pa iyon kabuohan?

Marahil ay hindi pa rin mawala sa kanyang isipan ang naging pahayag ko sa kanya kanina.

Sino ba naman kasi ang taong ngayon mo lang nakita ang magsasabi ng kamatayan mo.

“Ang binibining ito... sa kanyang kakaibang itsura na malayo sa mga kababaihan dito ay nasisiguro kong may dugo siyang español, Don Pedro.” bigla namang pahayag ng kasama ni Padre Pedro.

Dahil sa aking narinig ay tuluyan kong nilingon ito.

“Bakit kami kailangang mamatay ng ganito?!"

“Wala ba talagang hustisya sa mundo?!”

“H–Hindi...” tanging naiusal ko na lamang nang makita ko sa kanyang mga mata ang kanyang magiging kapalaran sa hinaharap.

Mabilis akong tumalikod at naglakad paalis ng walang sinasabi.

Narinig ko pa ang naging pagtawag sa akin ni Padre Pedro ngunit nanatili akong wala sa sariling lumisan sa simbahan na iyon.

Nanginginig ang aking parehong kamay nang makarating sa isang liblib na lugar, naramdaman ko ang tuluyang pag-agos ng luha mula sa aking mga mata.

May kung anong matulis na bagay ang paulit-ulit na sumasaksak puso sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Na para bang nakikidalamhati ito sa dalawang pari na natuklasan ko ang hinaharap. Tila ba hindi matanggap ang kanilang kapalarang naka tadhana para sa kanila.

Isa silang pari ngunit bakit ganoon kalupit ang kanilang kapalaran, bakit hinayaan ito ng diyos na pinaniniwalaan nila?

At higit sa lahat, bakit kailangan ko iyon na masaksihan?

Kaya ba may ganito akong kakayahan ay para mabigyan sila ng babala? Ngunit paano kung pati ang sarili ko ay hindi ko rin lubusang kilala. Ano ang maisasagot ko kung sakaling gusto nilang malaman ang pinagmulan ko?

Lumipas ang mga oras na malalim ang aking iniisip at nang mapagpasyahan ko na bumalik sa simbahang iyon ay huli na ang naging pagbalik ko.

Malayo pa lang ay rinig na rinig ko na ang sigawan ng mga tao mula sa loob kaya nagmadali ako sa paglapit.

“Padre Pelaez!”

Napapikit ako nang marinig ang sigaw na iyon at gaya nga ng nakita ko sa hinaharap ni Padre Pedro ay nagwakas ang kanyang buhay sa simbahang ito sa hindi inaasahang pangyayari.

“DON PEDRO!”

Kitang-kita ko ang hinagpis sa mukha ng pari na kasama kanina lang ni Padre Pedro.

Si Padre Jose Burgos...

Ang isa sa tatlong paring martir na pinatawan ng garote sa isang planadong pangyayari para lamang mapatahimik sila sa kanilang ipinaglalaban, ang kanilang kamatayan ang magiging dahilan para mag-alab ang mga puso ng Pilipino at mag-umpisa ang pag-a-aklas laban sa mga umaalipin sa mismong bayan nila.

Pinanood ko kung paano tila wala siyang magawa at napapahawak sa kanyang buhok. Nang mag-angat siya ng tingin sa kanyang kinapupwestuhan ay muling nagtama ang aming paningin.

Natigilan siya bago biglang napatayo.

“¡Tú!” ang kanyang sigaw “¡¿quién eres?!”

____

Tú - ikaw

quién eres - sino ka

tala :: jose burgos forgotten storyWhere stories live. Discover now