03

187 6 2
                                    

Persona ni Padre Jose Burgos

Bagamat ay nakaramdam ng pagaalala sa mga salitang malakas na isinambit ng aking mentor na si Padre Pelaez ay hindi ko maiwasang humanga sa kanyang katapangan.

“Bakit ako matatakot magsabi ng totoo?”

Tila natutop ang aking bibig sa kanyang naging sagot na alam kong katanungan din.

May punto ang aking mentor ngunit sa kabila ng iyon ay wala pa rin iyong saysay kung hindi patas ang mga nasa itaas.

Kinuha niya ang mga papel na hawak ko at habang may isinasambit ay hindi ko maiwasan alalahanin ang mga ipinaglalaban naming mga seglares. Iniisip ko kung may patutunguhan pa ba ang lahat ng ito o kung magtatagumpay ba kami.

Ibinalik ko ang tingin sa aking mentor at napansin ko na nasa iba na ang kanyang atensyon. Sinundan ko ang kanyang kinatitingnan at dumako ang aking mga mata sa isang babae.

Isang binibini na tahimik na nakatayo, pawang pinagmamasdan kami at nakikinig.

Kumunot ang noo ko nang tuluyang masilayan ang mukha nito.

Hindi agad nagkasalubong ang aming tingin sa kadahilanang agad niyang ibinalik ang kanyang atensyon sa aking mentor.

Sumeryoso ako at mabilis na tiningnan ang paligid.

Nang muli kong ibalik ang aking tingin sa binibini ay nakita ko ang pagkislap ng kanyang mga mata na tila ba may nagbabadyang pag-ulan mula rito.

Tumayo ako nang itinaas nito ang isa niyang kamay at itinuro si Padre Pelaez, may isinambit siya dahilan para ako’y matigilan.

“Mamamatay ka... Padre...”

At gaya nga ng inaasahan ko, mula sa kanyang mga mata ang paglandas ng mga luha.

Napapikit siya kaya nilingon ko si Don Pedro na tila hindi man lang nabigla sa sinabi ng binibining ito.

Bubuka pa lamang ang aking bibig nang tawagin niya ang binibi.

Nagmulat ito ng mata, pinagmasdan ko ang kabuohan ng kanyang itsura at aking napansin kaibihan niya. Hindi siya taga-rito.

Kahit na isa akong pari ay hindi ko maitatangging may kakaiba siyang gandang tinataglay, na sigurado akong kahit sinong ginoo ay maglalakas loob na hingiin ang kamay niya at handang makipag-digma makuha lang siya.

Ngunit isa akong pari.

Binasa ko ang pang-ibabang labi at mabilis na iniwas ang tingin nang lumapit siya sa aking mentor upang magmano.

“Paumanhin Padre sa aking naging pahayag kanina, narito lamang ako upang humingi sa iyo ng gabay.” saad nito sa mahinhin na boses.

Kung gabay ang dahilan bakit hindi iyon ang una niyang isinambit kanina?

Tumango ito nang sabihin ng aking mentor na hindi siya taga-rito.

“Ang binibining ito... sa kanyang kakaibang itsura na malayo sa mga kababaihan dito ay nasisiguro kong may dugo siyang español, Don Pedro.” ang aking naging pahayag.

Napalingon ito sa akin na naging dahilan para magkasalubong ang aming paningin.

At sa sandaling iyon ay tila narinig ko ang aking sariling tinig ngunit hindi ko iyon lubusang naintindihan dahil panandalian lamang iyon.

Kahit na sandali lamang iyon ay hindi ko maiwasang makaramdam ng kilabot.

Bakit tila ang hirap huminga? Hindi ba’t sanay na ako sa nakakasakal na sistema sa bayang ito.

Napalunok ako at tila ba gusto kong ayusin ang kasuotan ko dahil nakaramdam ako ng paninikip sa bahaging parte ng aking leeg.

“H–Hindi...” usal niya sa mahinang boses habang nanatili pa ring nakatitig sa akin.

Ang tingin na ibinibigay niya ay isang tingin ng taong labis ang awa na nararamdaman sa akin. Na tila ba may nasaksihan siyang malupit na pangyayari.

Bigla siyang tumalikod at naglakad palabas ng simbahan. Tinawag pa siya ng aking mentor ngunit hindi na ito lumingon pa hanggang sa mawala ang kanyang pigura.

Ilang segundo pang namayapa ang katahimikan sa amin ng muling magsalita si Padre Pelaez.

“Kakaiba ang binibining iyon,” lumingon ako sa kaniya at nakitang may maliit na ngiti sa kanyang labi. “Hindi ba Señor Burgos?”

“Kung gayon ay naniniwala ka sa sinabi niya kanina Padre?”

Humarap si Padre sa harapan ng simbahan.

“Maaari ngunit—”

“Ngunit hindi siya isang diyos para basta na lamang ipahayag ang ganoong salita Padre. Totoo na darating din ang ating kamatayan ngunit ayon sa kanyang ipinahihiwatig ay tila alam na alam niyang ngayon na ang kamatayan mo.” putol ko sa kanyang sinasabi.

Napatigil naman siya at nilingon ako, bahagya siyang natawa, hindi agad siya sumagot at tila may iniisip pa bago muling nagsalita.

“May pakiramdam ako...”

Kumunot ang noo ko.

“Na magbabago ang lahat at may malaking parte ang binibining iyon.”

tala :: jose burgos forgotten storyWhere stories live. Discover now