08

157 7 2
                                    


"Tila may kakaiba kay Padre Burgos, Paciano."

Napalingon si Paciano sa kaniyang kaibigan na si Felipe Buencamino.

"Napansin ko nga," napalabi siya habang nag-isip ng kung anong dahilan kung bakit ganoon ang inaakto ng kanilang guro.

"Napansin ko rin na may bumabagabag sa kaniya, at nahihiwagaan ako kung ano iyon."

Tumango si Paciano bilang pagsang-ayon sa sinabi nito at maski siya ay kuryusidad ang nararamdaman sa kanilang guro. Hindi niya maitatanggi na si Felipe ang pinaka mahusay sa kanilang klase kaya hindi na siya nabigla nang una nitong mapansin ang kakaibang kinikilos ni Padre Burgos.

Kaya kahit siya ay hindi na rin naiwasang obserbahan ang kanilang guro.

Tuloy ay sumagi sa kaniyang isipan ang binibining iyon na ipinag-utos sa kaniya na tahakin ang tirahan nito at ibigay ang ipinapaabot niya.

Hindi napigilan ni Paciano ang mapangisi nang maalala na sinuway niya ang kaniyang guro at ipinakita sa binibini ang kabuohang mukha nito na mismong si Padre Burgos pa ang gumuhit.

Napaka ganda ng binibining iyon, ilang linggo na rin ang lumipas ngunit malinaw na malinaw pa rin sa kaniyang isipan ang itsura ng babae at hindi maitatanggi ni Paciano na nahuhumaling siya rito.

Napaayos ng tayo si Paciano nang maaninag ang kaniyang guro na parating.

Binati ito ng kaniyang kaibigan at bago pa makapag salita si Paciano ay lumagpas na ito sa kanila, malamig ang tingin nito at tila ba estranghero sa kanilang paningin.

Nagkatinginan sila ni Felipe.

Habang sa dako naman ni Padre Burgos ay nasa malayo ang iniisip.

Dalawang linggo na kasi ang nakalilipas nang huli niyang makita si Tala at sinubukan niyang magpadala ng sulat dito ngunit ay sa tuwing naalala niya ang iniwan nitong paalam na liham ay hindi niya natutuloy.

Dahil parte sa liham nito ay nagsasabi na hindi rin ito magtatagal at agad ding magbabalik ngunit mabilis na lumipas ang mga oras, araw at linggo ay hindi na nito nakita ni kahit anino o maski narinig man lang ang boses nito.

Kahit sulat ay walang nakarating sa kaniya. Nakaramdam siya ng pagaalala at inisip na muling utusan ang kaniyang estudyanteng si Paciano ngunit ay abala ang mga ito sa nararating na pagsusulit.

Hindi siya ganoon kasamang guro na aabalahin sa pag-aaral ang kaniyang mga minamahal na estudyante.

Kaya nakuntento siya sa paghihintay.

Ngunit bakit niya nga ba ito hinihintay? Hindi ba sapat ang mga nalaman niya tungkol sa kaniyang hinaharap?

O dahil nasanay siya sa presensya nito.

“Hindi iyon ang dahilan...” bulong niya sa sarili habang pinagmamasdan ang mukha ni Tala na kaniyang iginuhit sa pangalawang pagkakataon.

Hanggang sa dumating ang araw ng selebrasyon na kung saan ay imbitado silang mga seglar.

Napailing na lang si Padre Burgos nang makarating sa kaniya ang sulat ng kapwa niya pari na si Padre Zamora na hindi ito makakadalo sa selebrasyon dahil may sakit ito.

Napahilot siya sa sintido. “Jacinto...”

Wala siyang nagawa kundi ang dumalo, suot niya pa rin ang kasuotang nilang mga seglar.

Sa isip niya’y hindi rin naman siya magtatagal doon at agad ding uuwi pagkatapos ng pormal na batian.

Kahit papaano ay may isang dahilan para gumaan  ang kalooban niya sa pagpunta roon, ang mga matitikman niyang pagkain.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 14 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

tala :: jose burgos forgotten storyWhere stories live. Discover now