04

191 14 6
                                    


Hindi ko na napigilan pa ang aking mga luha, iyakan at sigawan sa paligid ang aking naririnig.

Ang mga alaala na nakita ko simula nang magtama ang aming mata ni Padre Pedro ay lahat ng iyon ay nagkatotoo, nasa harapan ko mismo. Ramdam ko ang malakas na tibok ng aking puso, halo-halong emosyon ang aking nadarama sa mga oras na ito.

Sa lahat ng mga taong nakitaan ko ng hinaharap ay ngayon lamang ako nakaramdam ng labis na pagka dismaya sa sarili. Dahil sa kaisipan na nakikita ko nga ang kanilang hinaharap ay wala man lang akong kakayahan na pigilan ito.

Kaya mo.

Hindi ko kaya! Kasaysayan ng bayan ito ang aking mapapagitnaan kung sakaling pangunahan ako ng aking emosyon.

Kamatayan nila ang magiging mitsa patungo sa paonting-onting pagbabago, at sa pagkagising ng mga Pilipino ngunit...

Nararapat ba?

Para sa liwanag?

Hindi ba’t hindi ito patas.

Hindi nga pala talaga patas ang panahon na ito.

Napahawak ako sa aking bibig ng may kumawalang hikbi rito. Habang nakatitig sa kanya ay umiling ako at agad na nagmamadaling tumakbo.

Hindi ko namalayan na nakauwi na pala ako sa pansamantalang tinitirahan ko.

“Nariyan ka na pala binibining Tala, halika’t tulungan mo akong mag ligpit. Kumusta ang naging pagbisita mo sa simbahan, nakita mo ba ang Padre?”

Hindi ako sumagot dahilan para lingunin ako ng ina ni Tino. Bumakas ang pagaalala sa kanyang mukha nang makita akong umiiyak. Agad siyang lumapit at hinawakan ako sa aking mga kamay.

“Anong nangyari sayo Tala? Bakit ka umiiyak?”

Hindi ako makapag salita at tanging iling na lang sa aking ulo.

“May naka salubong ka bang español sa iyong naging pag-uwi? Sinabi ko naman sayo na hinding-hindi ka dapat nila makita...”

Muli akong umiling at kasabay no’n ang isang malakas na paghampas ng tila yero mula sa labas at may isang boses lalaki.

“PUMANAW NA ANG ATING PARI! PUMANAW NA SI PADRE PEDRO PELAEZ!”

Ang mga katagang iyon...

“PUMANAW NA ANG ATING PARI! PUMANAW NA SI PADRE PEDRO PELAEZ!”

Mali bang hinayaan ko ang nangyari kay Padre?

Narinig ko ang singhap na nanggagaling sa ina ni Tino.
_____

“Sandali, hindi niyo ako pinakikinggan!”

“Francisco Zaldua.”

“Sino ka?!”

“Ito ba ang hustisya ng España?!”

“Para sa liwanag...”

“Bakit kami kailangang mamatay ng ganito?!”—

“Binibining Tala!”

Napabalikwas ako ng bangon mula sa aking kinahihigaan, napatingin ako sa bungad ng pinto at nakita si Tino na kakapasok pa lang.

“M-Magandang umaga Tino,” bati ko sa kanya.

“Magandang umaga rin po, may isang ginoo po sa labas ang naghahanap sa iyo binibining Tala, kausap siya ni ina.”

Kumunot ang noo ko sa narinig. Dalawang linggo na ang lumipas matapos ang nangyari sa simbahan at dalawang linggo na ring laman ng panaginip ko ang mga taong may malaking parte sa kasaysayan ng bayang ito.

tala :: jose burgos forgotten storyWhere stories live. Discover now