05

213 12 5
                                    

Taga pagsalaysay/narrator's pov

"Ella es demasiado pura para ser parte de esta tierra maldita, pero la necesito." ang mahinang bulong ni Padre Jose Burgos sa kanyang sarili.

Inangat niya ang hawak na papel kung saan naka guhit ang mukha ng binibini kanina'y kausap niya lamang.

"Muli kaming nasadlak sa kadiliman matapos lumisan ng aking mentor ngunit..." hinaplos niya ang parte ng mukha ng larawan at marahang ipinikit ang kanyang mga mata.

"Dumating ka," ngumiti siya matapos iyon bigkasin.

Napamulat siya ng mata at kinuha ang kanyang panulat upang maipadala sa binibini, malakas ang kanyang pakiramdam na hindi dapat niya ipagsa walang bahala ang binibining iyon.

Bilang isang pari na may paninindigan, nais niyang panatilihing balanse ang lahat.

Ngunit hindi niya maiwasang isipin ang kanyang hinaharap.

Base sa kanyang nakikitang emosyon kanina ni binibining Tala sa tuwing napupunta ang usapan sa kanyang nakatakdang hinaharap ay pansin niya ang sakit at awa sa mga mata nito.

Na tila nalulungkot ito para sa kanya, kaya ganoon na lamang ang kanyang pagnanais na malaman ang kanyang tadhana.

Dahil gaya ng kanyang mentor ay tila ganoon din ang kanyang sasapitin, ang kanyang kamatayan, at sa kanyang naging karanasan mula sa pagkabata hanggang sa kasalukuyang edad ay paulit-ulit na niyang nasaksihan. Ang mga pari sa bayang ito... ay kamatayan ang kinahahantungan.

Kung hindi sa pagkatanda mamamatay.... sa kamay naman ng hindi patas maiaalay ang kanilang buhay.

Kung kaya't sigurado siyang hindi siya hahayaan ng diyos sa isang kamatayang hindi patas.

Ngunit...

"Kahit na hindi patas para sainyo? Kahit na para sa liwanag ay kadiliman ang huli mong makikita sa iyong huling hininga?"

Natigilan si Padre Burgos nang maalala ang mga katagang iyon mula kay binibining Tala.

Muli niyang inalala ang unang beses n nagtama ang kanilang mga mata. Ang sumisigaw na boses na alam niyang siya ang nagmamay-ari.

"Sa papaanong paraan nga ba ako mamamatay?" wala sa sarili niyang tanong.

Nais niyang malaman ay kanyang magiging kamatayan ngunit may kung anong tinig sa kanyang isipan na hindi iyon magandang ideya.

_____

Kinaumagahan ay mabagal ang naging pagkilos ni Padre Burgos magmula ng siya ay magising. Agad na mapapansin ang malalim sa ibaba ng kanyang mga mata na tanda ng hindi maayos ang naging pag tulog nito.

Bumuntong hininga siya habang iniaayos ang kanyang kagamitang gagamitin sa kanyang pagtuturo.

Hindi siya nakatulog sa mga katanungan sa kanyang hinaharap at pag-iisip sa posibleng kanyang magiging kamatayan.

Isinulat niya sa isang maliit na kwaderno ang mga salitang ipinag-konekta niya.

Liwanag

Kadiliman

Pagtutol

Hindi patas

Sainyo

Equalidad ang hangad at ipinaglalaban nila. Kung gayon ay mamamatay siyang hindi ito nakakamit.

Kumuyom ang kamao ni Padre Burgos nang dumako ang kanyang tingin sa huling salita. Nanggaling iyon mismo sa bibig ni Binibining Tala.

"Nais niya bang iparating na hindi lang ako at may iba pang nadamay?" ang kanyang pagtatanong sa sarili.

tala :: jose burgos forgotten storyWhere stories live. Discover now