JARED

4 2 0
                                    


Papasok na sana ako sa gate nang bigla kong maalala ang nangyari kagabi.

"Ito, kain na kayo"

Maaga akong nakauwi kaya naabutan ko sila. Inilapag ko sa lamesa ang itlog na ulam nilang dalawa. Agad iyong kinuha ni Jessie at kinain samantalang si Genrie naman ay tahimik lang at mukhang hindi gusto ang ulam.

"Genrie, what's wrong? Bakit hindi ka pa kumakain?" Tanong ko sa kaniya.

Nag-angat siya ng tingin.

"Kuya, sabi mo bibilhan mo kami ng fried chicken?"

"Ah...ganoon ba? Sorry, nakalimutan ko," sagot ko sa kaniya. "Huwag kang mag-aalala, magpakabait ka lang at bukas may fried chicken na kayo"

"Bukas, bukas, lagi na lang bukas! Lagi mo na lang sinasabi 'yan! Tapos bukas wala naman." Sabi niya sa malakas na boses.

"Genrie, tingnan mo si Jessie behave lang. Dapat magbehave ka lang din" mahinahon kong sabi sa kapatid.

"Sinungaling ka," aniya at yumuko. "Si mama hindi nakakalimutan na bilhan kami ng fried chicken. Ngayon lagi na lang itlog ang kinakain namin. Ayaw ko na kumain!" Inurong niya ang plato saka tumayo at umakyat sa taas.

"Genrie! Bumalik ka rito!" Tawag ko pero hindi siya nakinig.

Bumaba ang tingin ko sa kapatid na babae na tahimik lang na kumakain. Hinaplos ko ang buhok niya habang tinitingnan siya.

Agad akong tumakbo papunta sa fast food chain para bumili ng fried chicken. Paborito nila ang chicken kapag dito binili.

Nang makabalik ako ay agad kong binuksan ang gate.

"Jessie! Genrie! May pasalubong si kuya..." nahinto ako sa pagsasalita nang makitang wala sila sa lamesa. Anong oras na rin kaya malamang ay nakakain na ang kambal.

They must be asleep.

Umakyat ako sa itaas habang dala-dala pa rin ang isang bucket ng fried chicken. Nakita ko ngang natutulog na sila nang mahimbing. Inilapag ko sa maliit na mesa sa gilid ang pagkain at lumapit sa kanila. Inayos ko ang pagkakahiga nila at ang kumot.

Kukuhanin ko na sana ang pagkain na inilapag ko sa mesa nang mapansin ko ang isang drawing. Kinuha ko iyon at tiningnan. Isa 'yong drawing ng lalaking naka-bike at may malaking box sa likod. May nakasulat pa sa itaas na bahagi ng drawing.

"I'm sorry, kuya. I love you..." basa ko sa nakasulat.

Tumingin ako kay Genrie. Mukhang siya ang gumuhit nito. Bahagya akong napangiti sa kanilang dalawa. Natutuwa akong kahit ganito lang kami ay may kabutihan sa aming mga puso. Natutuwa akong lumalaki sila na isang mabuting tao.

Pagkatapos kong ilagay sa maliit naming ref ang pagkain ay naglinis ako ng katawan bago umakyat. As usual, uupo ako sa study table at mag-aaral bago matulog.

Habang nagsusulat ay biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Genrie.

"Si mama hindi nakakalimutan na bilhan kami ng fried chicken."

I scoffed. Umalis ang nanay namin dahil hindi niya raw kaya. Tandang-tanda ko pa nung araw na umalis siya.

"Pa, umayos ka. Matutumba tayo," nahihirapan kong sabi kay papa dahil pagewang-gewang kami maglakad.

Tinawagan ako ng kaibigan ni papa dahil lasing na lasing na raw siya at kailangan na niyang umuwi. Sinundo ko naman agad siya.

"Pa, malapit na tayo," nahihirapan kong sabi kay papa dahil halos buhatin ko na siya. Nakaakbay siya sa akin at ang isang kamay ko ay nasa bewang niya para umalalay.

Loving This BitchWhere stories live. Discover now