CHAPTER 21

3 2 0
                                    


Nagsusulat ako ng outline para sa ipapasa kong part sa defense namin. Nasa roman number one pa lang ako. Wala na akong maisip. Nakakatamad ding gumawa kaya itinabi ko na lang at hinintay ang tutor ko. Maaga akong nakauwi ngayon. Hindi ko alam kung bakit, basta nitong mga nakaraang araw ay parang gusto ko na lang manatili rito sa bahay at magpaturo kay nerdy.

Nerdy...

Right, hindi ko pa pala alam ang name niya. Hindi ko rin naitatanong. He knows mine. Maybe I'll him later. Kinuha ko ang cellphone at kinalikot iyon. Wala akong magawa. Hindi rin nagtagal at itinigil ko ang ginagawa sa cellphone at sumandal.

Nakatingin lang ako sa kisame at nag-isip ng kung ano-ano. Ayaw kong magbilang ng sheep dahil baka makatulog ako. I pouted.

"This is so boring" kinuha ko ang unan at niyakap iyon. Pinatong ko ang baba habang nakatingin sa orasan. Pinanood ko kung paano iyon umikot. Bakit ang bagal ng oras?

Napaahon ako sa pagkakasandal nang marinig ko ang doorbell.

He's here.

Tumingin ako sa salaming nakasabit sa pader. Inayos ko ang aking buhok at damit bago naglakad papunta sa pinto. Binuksan ko iyon at bumungad nga siya sa akin. Gaya ng dati ay niluluwagan ko lang ang pagkakabukas ng pinto at papasok na siya.

"Diyan ka lang, kukuha muna ako ng pagkain" sabi ko at iniwan na siya sa sala. Pumunta akong kusina at pinainit ang lasagna na binili ko kanina. Habang naghihintay ay kumuha na ako ng dalawang platito at kutsara. Inilagay ko agad ang lasagna nang tumunog ang microwave para hindi ito masunog.

Nang makabalik ako sa living room ay naabutan ko siyang prenteng nakaupo at may binabasang papel. Hinayaan ko lang siya at inilapag ang pagkain sa lamesa. Nahagip ng mata ko ang binabasa niya pagkayuko ko kaya nahinto ang pag-angat ko ng katawan sa ere matapos ilapag ang pagkain.

Mukhang napansin niya iyon. Tanging mata lang niya ang gumalaw, tumingin sa akin. Ang kalahati ng mukha niya ay natatakpan ng papel. Mula sa mata hanggang noo lang ang nakikita ko.

Bumaba ang tingin ko sa papel na hawak niya. Kahit nakaharap iyon sa kaniya ay nakikita ko pa rin ang mga letters dahil sa liwanag ng ilaw. And I know my f*cking penmanship.

"What...are you reading?" Tanong ko. Hindi pa rin gumagalaw.

"Hmm..." he looked at the paper he was holding. "Just an outline" sabi niya kaya mabilis ko iyong hinablot.

He's reading my dull outline.

Tumalikod ako sa kaniya at nilukot ang papel. I'm so embarrassed. Baka isipin niya na hindi ako nag-aaral nang mabuti dahil konti lang ang nasulat ko, at mali pa 'yon. Wala naman akong alam kasi sa ide-defend namin. Hindi nga ako nakikinig sa prof.

Bumalik ako sa kusina para itapon sa basurahan ang papel na nilukot ko sa palad. Medyo nanghinayang ako dahil iyon lang ang naisip ko, wala nang iba, kaya sayang kung itatapon ko lang. Pwede ko namang sabihin sa mga kagrupo ko na iyon lang ang maiaambag ko, atleast nag-ambag ako. Siguro ay kukunin ko na lang mamaya.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nanatili sa kusina bago bumalik. Hindi makatingin nang maayos sa kaniya.

"You..." sabi ko habang nakatingin sa dibdib niya. "Hindi mo dapat pinapakialaman ang gamit ng iba" sabi ko habang palipat-lipat ang tingin sa mata at dibdib niya.

"Sorry, bigla ko lang kasing nakita rito" sagot niya.

Dahan-dahan akong umupo sa tabi niya habang nakayuko. Ayaw kong tumingin sa kaniya dahil nahihiya ako.

"Don't get mad but...your outline's kinda..."

"I know," mahina kong sabi.

Nakayuko ako at pinaglalaruan ang dalawang hintuturo. Iniikot-ikot ko iyon sa isa't-isa. Nakita ko sa peripheral vision ko na pumantay ang mukha niya sa mukha ko kaya tumingin ako sa gilid. Sumunod naman siya kaya umiwas ulit ako. Dahil sa pag-iwas ko ay ngayon ay nasa likod ko na siya.

Loving This BitchWhere stories live. Discover now