Chapter 9

23 17 1
                                    

Alexander's POV:

"Pasok kana." Sabi ko at di paren maalis sa isip ko yung sinabi ni Shane.

Gusto kong itanong kung ano ba yung kagabing ginawa nila pero wala ako sa boundaries para tanungin yun. Ang importante lang ngayun ay nakahabol sya, pero hindi ang party ang inabutan nya.

"Sorry talaga, ginabi kami eh." Saad nito pero diko na pinansin.

Naupo sya sa sofa sa sala at ganon din ang ginawa ko. Nakita kung kakalabas lang ni papa galing sa kwarto at binati naman sya ni Mavi ngunit tinapunan lang nang tingin nito.

"Uy! Ngayun lang? Sayang wala ka kagabi, andaming handa at maraming tao. Sayang dika nakainom." Bungad ni Haze galing banyo at naupo sa tabi ni Mavi na nasa tapat kung sofa.

"Asan si Xy?" Tanong ko nang diko matanaw ang lalaki.

"Sa labas, kausap yung nanay nya." Sagot ni Haze kaya napatango nalang ako.

Tinitignan ako ni Mavi at alam kung tinatanong nya bakit diko sya pinapansin. Wala lang kasi, diko lang matanggap na pinako nya ang pangako nyang pupunta din sa gabing iyon.

"Dimo ba tatanungin kung nakapag almusal naba sya?" May pang aasar sa tono ni Haze.

"Okey lang, tapos naman na kami kanina ni Shane."

Isa pa yang pangalan nang babaeng yan, mukhang sumpa na sakin na ayaw Kung marinig. That name make me irritated.

Pumasok si mama at lumapit samin at napansin naman nya ang lalaki kaya tumayo ako. Alam kung iisipin din nyang kaklase ko rin 'to. Diko kasi naikwento si Mavi sa kanya. Itong dalawa lang ang alam ni Mama.

"Ma, si Mavi." Sabi ko kaya tumayo rin ang lalaki.

"Magandang umaga po tita." Sweet ba tono nito kaya napairap nalang ako.

Nagawa pa nyang maging kalma.

Sandali silang nagkausap ni Mama tungkol sa mga magulang nito at saan nakatira at anong pinag aaralang kurso. Ewan ko ba kay mama andaming tanong, buti pa ang lalaki at parang sanay na.

Nakita kung lumabas na sila Aljur at Cassie papasok na daw sa school at nagpaalam na ito. Diko na matanaw si papa kung asan na naman yun nagpunta. Siguro pumasok na iyon sa trabaho nya dahil nakabalik na rin sya sa pagiging pulis.

"Bakit parang ayaw nyung nagpansinan?" Tanong ni Haze na nasa tabi kona.

"Ewan ko sayu." Tumayo ako at nagpunta na nang kusina para maghugas sana nang mga pinagkainan para maiwasan ang pagkainis. Pero mas lalo akong nainis nang malinis na lahat doon. Wala akong nagawa kundi ang magtungo sa kwarto.

Bumukas ang pinto at ibinungad non si Xy na kakapasok lang at ni charge ang phone.

"Tumawag si Tita Lorna, dika daw makontak kaya sakin na tumawag." Sabi nito at naupo sa gilid nang kama.

Kinuha ko yung phone ko at out of battery na dahil siguro kagabi at nakalimutan kung i charge.

"Bakit daw?" Tanong ko.

"Uuwi si Esmael, yung anak nila. Birthday nya bukas kaya dapat makauwi daw tayu nang maaga." Sabi nito.

Oo nga pala, bukas na pala ang birthday ni Esmael. Only child sya ni Tita Lorna at Tito Mel. Galing yun sa Spain at doon nagtatrabaho. Kung ganon, napapa agad tuloy ang uwi namin. Pero okey lang at maiintindihan naman yun ni Mama.

"Galit ka parin ba?" Tanong ni Mavi nang matulog na kami. Nasa sofa sya at nasa bed naman ako katabi si Xy habang nasa sahig naman si Haze. Tulog na ang dalawa dahil nag hihilik na ito.

Unexpected Love (Boy Love Series #1) | Ongoing Where stories live. Discover now