Chapter 6

25 22 1
                                    

["Lex, sa 28 na yung debut ni Cassandra. Ano? Makakapunta ka?"] Bungad ni Mama nang sagutin ko ang Cellphone ko.

This month na nga pala ang Debut ni Cassie. Pupunta rin ako kapag nakaipon na nang konti. Sabi kasi ni Mama kahit simple lang basta kompleto kami.

"Oo naman ma, makakapunta ako promise." Sabi ko.

["Promise mo yan ah, antayin ka namin."]

"Sige po, padala ko nalang mamaya yung pera para sa Debut ni Cassie." Sabi ko at binaba na ang tawag.

Nag-inat inat pa ako bago bumangon. Nakita ko pa si Mavi na nasa sofa sa coffee table habang nagtimpla nang kape. May naka toast narin doon na bread kaya nag mapansin nyang tapos na ako makipag usap ay tinapunan nya ako nang tingin.

"Aga magising ah." Sabi ko at tumayo mula sa pagkaupo.

"Ready na ang breakfast." Sabi nito.

"Banyo muna ako." Paalam ko at pumasok na sa banyo. Nag toothbrush nalang ako at maghilamos bago lumabas.

Sabado ngayun kaya oras na para pumasok sa trabaho mamaya. Alam na ni Tita Lean na nagtatrabaho kami sa restaurant at pumayag naman ito. Para narin daw May extra income si Mavi dahil baka kokonti nalang ang maibibigay ni Tita Lean dahil sa pagpapagawa nang bahay nila sa Baguio.

"Pasensya na kagabi." Sabi nito nang makaupo ako at tinulak palapit sakin yung kape na tinimpla nya. Sumimsim muna ako sa kape bago binalingan sya nang tingin.

"Okey lang." Sabi ko.

Bigla kung naalala yung kagabing sinabi nya. Diko alam kung seryoso sya roon pero alam kung hindi. Lasing lang sya non at hindi nya alam ang pinagsasabi nya.

"Naalala Kolang kagabi na, nakasandal lang ako sa balikat mo. Ano bang nangyayari?" Tanong nito.

Wala lang, sinabi mo lang na 'Alam mo Alex, napaka manhid mo.' at 'Ilang buwan ko nang pinaparamdam sayu na gusto kita kaso, napaka manhid mo.' yan lang naman. Sabi ko sa isip ko.

Syempre diko sinabi, baka mag assume pa ako sa mga sinabi nya non. Kahit di naman nya maalala.

"Wala lang, nakatulog Kana sa balikat ko at binuhat lang kita papunta sa kama mo." Sagot ko sa tanong nya kanina at sumimsim ako sa kape ko.

"So, ikaw ang naghubad sakin? Tanging box short lang ang natira?" Tanong nito na muntik na akong masamid sa kape.

"A-ano?" Takang tanong ko.

"Nagising lang ako na Naka box short lang ako." Sabi nito sabay ngisi.

"Anong pinagsasabi nya. Damit lang nya ang tinanggal ko. Ni sweat pants nga nya diko pinakialaman. Tsk, nababaliw na yata 'to! Alam kung inaasar lang nya ako sa mga sinasabi nya.

"May ginawa kaba sakin?" Tanong pa nito.

"Oo." Diko na namalayang sagot ko habang iniisip ang mga sinabi nya.

"So, that's why. Wala na akong suot na damit at sweatpants? Ginahasa mo ba ako?" Tanong nito.

"Ano bang pinagsasabi mo?" Inis kong tanong at hinampas sya nang unan na nakuha ko sa sofa at hinampas sa balikat nya.

Pinagsasabi nito. Naisip ko nalang ang naisagot ko kanina. Gago! Ang ibig kong sabihin don, May ginawa talaga ako sa kanya. Syempre pinunasan sya nang maligamgam na tubig habang lasing sya. Kahit kailan talaga 'tong Mavi na 'to.

"Ibig kong sabihin, May ginawa akong pagpunas sayu nang maligamgam na tubig." Paliwanag ko.

"So, pati yung sa baba pinunasan mo—" I stopped him by throwing pillow to his face.

Unexpected Love (Boy Love Series #1) | Ongoing Where stories live. Discover now