Chapter 19

2 1 0
                                    

A|N: Happy Eid'l Adha to the muslims out there.

Alexander's POV:

Kakatapos ko lang ng plates ko kaya iniligpit ko na ang mga ginamit ko. Nakakailang ulit pa ako dahil sa sirang marker na nabili ko. Yung isa naman nabuhusan ng juice dahil sa pagkasagi ko no'n.

"Mamayang 10pm yung birthday party ni Cedric, sasama ka pa ba?" Tanong ko kay Mavi na nasa sofa habang naglalaro ng ML.

"Of course yes, baka lumandi ka pa don." Sagot ng lalaki.

Diko nalang pinansin pa ang lalaki baka lumala pa ang pang aasar nya. Madali pa naman ako mapikon kapag sya yung mang aasar.

"Kahit 'di ka na sumama, kasama ko naman na sila Haze at Xy. Sabi mo kasi may gagawin ka." Sabi ko at naupo sa tabi nya.

"Okey lang, 'di naman importante 'yon." Sagot nya habang sa nilalaro ang tingin.

"Sus, narinig mo lang na sa bar 'yon gaganapin at alam mong may mga babae ro'n." Sabi ko nalang at pasimple s'yang inirapan.

"Ayan na naman sya." Tumingin sya sakin. "Laruin mo muna, restroom lang ako." Sabi nya at inabot ang phone nya.

Tinanggap ko nalang 'yon at pinagpatuloy ang nilalaro. Wala akong alam sa ML kaya bahala sya kung makailang patay sya rito. Unang attack ko palang patay na agad. May nag chat pa doon at sinasabing sa mid daw ako pero diko 'yon pinansin. Halos ilang death replay ko na 'yon at wala pa akong napatay.

Bumalik na si Mavi at ibinigay ang phone nya. Bahagya akong ngumisi habang ini-aabot ang phone nya. Kunot nya akong tinignan at tinanggap ang cellphone nya.

Tumayo at at nagmadaling naglakad. Narinig ko pa ang inis na sigaw ni Mavi ng marinig nya yung 'Defeat' sa nilalaro nya. Tinawanan ko nalang sya.

"Malapit na mag Mythical Honor eh!" Inis nitong sabi at narinig ko naman.

"Kasalanan mo, pinalaro mo sa'kin eh alam mo naman na di ako marunong jan." Sagot ko at pumasok na ng banyo para makaligo na.

Nang makaligo ako ay dumeretso na ako sa closet para maghanap ng susuotin. I pick some navy blue sleepless polo and a gray slocks. Sinuot ko na 'yon and I tucked the sleepless polo in my gray slocks at nagsuklay narin ako at pinagmasdan ang buong katawan sa salamin. Natawa nalang ako sa sarili. Straight kung tignan eh baliko naman.

"Ganda ng suot natin ah?" Puna Mavi na kakatapos narin maligo habang pinapatayo ang buhok. "Makaka akit ka maraming babae nyan." Sabi pa nito.

Napangiwi nalang akong nakatingin sa kanya at masama syang tinignan.

"Ako? Para sa babae? Luh, baka ang sabihin mo maraming lalaki." Pabiro kong sagot kaya binato nya ako ng towel na pinan-tuyo nya sa buhok nya.

"Uy offensive ang gago." Sabi ko nalang kaya ngumisi lang ito bago kumuha ng damit nya.

Narinig kung may kumakatok sa pintuan kaya agad akong nagtungo doon. Pagbukas ko ay bumungad ang magpinsan na gaya ko ay naka sleeveless din pero naka army green si Xy at white polo naman si Haze habang nakabukas and tatlong butones.

Nag antay nalang kami sa sofa sa may sala para antayin di Mavi. Bumaba narin ang lalaki and my eyes stock to him. He wearing a royal blue long sleeves polo habang naka tupi yun banda sa siko nya habang nakabukas narin ang tatlong butones nito and tucked in a brown slocks.

"Grabeng mga suot yan. Hindi naman kayo yung may ari ng party." Tawang sabi ni Haze.

Naglakad narin kami at dahil nasa third floor pa ang dorm namin ay nag elevator nalang kami para mabilis. Nakarating narin kami sa parking area at sumakay narin. Kapag si Mavi ang nagmamaneho, huwag kalimutang magdasal bago sumakay. Dahil sa bilis ng pagmamaneho nito ay agad rin kaming nakarating.

Unexpected Love (Boy Love Series #1) | Ongoing Where stories live. Discover now