Chapter 8

27 21 1
                                    

Alexander's POV:

"Ready na para sa bukas ah!" Bungad ni Mavi nang makapasok. Diko nalang 'to pinansin. Naupo sya sa tabi ko pero nagpatuloy lang ako sa pagi-enpaake.

"Huy pansinin mo nga ako." Sabi nito pero wala sa kanya ang tingin ko.

"Ewan ko sayu Mavi." Sabi ko nalang.

"Promise, darating ako bukas after nang laro." Sabi nito habang hinihimas ang hita ko para makuha ang attention ko.

Epektibo naman ang pagkuha nito sa attention ko kasi pati sila Xy at Haze ay nabigla narin sa ginawa nang lalaki. Hindi paren naman nila alam ang namamagitan samin.

"Promise mo yan ah, sapakin kita pagbalik namin kapag dika talaga nagpunta." Banta ko.

"Promise is a promise, punta ako bukas." Sabi nito at nagtaas pa nang kamay na nangangako.

"Okey, promise mo yan. Asahan ko yan." Sagot ko nalang.

Napansin ko ang tingin ni Haze sa aming dalawa ni Mavi at pabalik balik pa ito nang tingin. Ngunit si Xyriel ay patuloy parin sa ginagawa na para bang walang paki sa nangyayari. Hindi naman kami pakealamero si Xy di kagaya nang pinsan nito na parang alam lahat ang sikreto nang bayan.

"Bro!" Sambit naman ni Haze at tumayo bago naupo sa pagitan namin ni Mavi.

"Bro, parang wala ako rito ah? " Tinaasan lang sya nang kilay nito ni Mavi. "Ano ba talaga? Mag jowa ba kayu o hindi? Kasi parang medyo fishy eh." Sabi pa nito kaya nagtama ang tingin namin ni Mavi kaya agad din akong umiwas.

Parang nagsisi tuloy ako na umiwas ako nang tingin kasi pansin nung ugok 'yon. Tumawa ito nang mapansin yon. Patuloy parin sya sa pang aasar habang binatukan kami nito.

"Kayo ah, kung may gusto kayung sabihin, sabihin nyu na. Maiintindihan din naman namin eh." Sabat ni Xyriel.

"Ano ba kayu, mag impake na nga kayo. Maaga pa tayu bukas." Sabi ko at tumayo na para magpunta nang banyo.

Kinaumagahan maaga ring umalis si Mavi kasi maaga din ang punta nila habang sinundo sila nang couch nila. Bumangon na ako at nagsimula nang mag almusal. Maaga oa dahil 4pm palang pero kailangan maaga kami dahil malayo pa ang Batangas at baka gabihin kami. Nang matapos kami ay umalis natin kami at nagpaalam na kay tita Lorna. Mag ingat lang daw kami at tatawag lang daw kami kapag makarating na kami.

May iyakan pang naganap bago kami nakaalis. Oara namang hindi na kami babalik. Ilang araw lang kami don. Nang makasakay sa jeep ay nakarating narin kami nang terminal kung saan kami sasakay nang van papunta dahil mas mabilis lang naman ang byahe kapag ito nang sinakyan. Mga limang oras rin ang byahe namin bago kami nakarating. Diko alam kung bakit ako kinakabahan, dappat maging masaya ako dahil makikita ko ang pamilya ko. Pero di paren maalis sa kaba ko ang tatay ko na sumalubong samin.

"Pa," sabi ko at nagmano sa kanya.

Wala lang syang reaksyon at nagmano narin ang dalawa baho kami nagpatuloy sa loob. Nabitawan ni mama ang hawak nitong mga pinamalengke nito nang makuta ako. Bakas sa mukha nito anh saya nang makita ako. Napatingin naman ako kay papa na nasa labas lang ang tingin.

"Ba't hindi ka tumawag agad na makakarinig ka nang ganitong oras? 'Kala ko ay tanghali pa kayu makakarating." Sabi ni mama.

"Ano kase, maaga akong pumunta kasi mahirap makahanap nang masasakyan kung hindi kami mag aga." Ngumiti lang ito at hinimas ang ulo ko.

"O s'ya, magluluto na ako para makakain kayu. Malayo paa naman binyahe nyo." Sabi nj mama at pinulot ang pinamalengke nya bago dumeretso sa kusina.

Pumasok kami sa isnag kwarto na hindi naman masyadong malaki. Kasya lang sa tatlong tao. Malaki lang nang kaunti yung dorm namin. Pumasok narin ako doon at bumungad ang litratong nakapatong sa side table sa tabi nang kama. Halatang dipa gamit ang kwarto dahil sa bago pa ito at amoy bagong gawa palang.

Unexpected Love (Boy Love Series #1) | Ongoing Donde viven las historias. Descúbrelo ahora