Chapter 14

6 4 0
                                    

Alexander's POV:

"Parang andami mo ng Tita nyan?" Tawa ni Mavi ng nasa dorm na kami.

"Okey lang, hindi naman masama." Sabi ko nalang.

Isinuot ko na ang pajama ko dahil maghahanda narin naman na kami sa pagkain at after nito may tatapusin pa akong plates na ipapasa na naman. Ilang months nalang, third year college na kami.

"Masosolo narin kita ng malaya tuwing gabi." Sabi ni Mavi kaya napatingin ako sa kanya ng may pagtataka.

"Pinagsasabi mo?"

"Hindi ba sinabi ni Xyriel?" Napakunot parin ang noo ko rito. Walang nasabi si Xy sakin. "May nabiling bahay daw ang Tatay niya kaya doon nalang daw sila kasi umalis na sila nang province."

Ano? Ibig sabihin maiiwan na kami dito? Si Haze pala andito rin.

"Doon narin daw si Haze." Pahabol nito. "Dika ba masaya?" Tanong nito.

Binato ko sya ng lalagyan ng toner dahil sa pinagsasabi nya. Hindi nya alam ang nararamdaman ko kung mawawalay ako kila Haze at Xy. Nasanay ako na kasama ko sila kaya anong masaya don?

Bumaba na kami para sa dinner at nadatnan ko naman sila Tita Lorna at Tito Mel ganon din ang dalawa kaya agad narin kaming lumapit doon.

"Make sure na bibisita kayo? Kailangan madalas." Sabi ni Tita Lorna.

"Mahal, sa susunod na buwan pa 'yon. Ano ka ba?" Si Tito Mel habang pinapatahan si Tita.

"Kumain na nga tayo. Magdadrama pa. Oh asan si Mavi?" Tanong ni Tita.

"Anjan na." Sagot ko.

Nakita ko na ngang bumaba na ang lalaki kaya lumapit ito sa kinauupuan ko at binati sila Tita Lorna at naupo na sa tabi ko. We started eating at tahimik lang hangang sa matapos na kami. Bumalik na kami sa kwarto para makaligo narin. Natapos rin ako kaya si Mavi na ang sumunod.

"Bat dimo sinabi sakin?" Pagtatampo kung tanong kay Xy.

"Luh, sa isang buwan pa naman 'yon kaya diko na sinabi." Sagot nito.

"Kahit na, para aware kami. Saka ano, malapit din ba 'yon dito?" Tanong ko.

"Medyo, pero malapit rin sa department natin at sa pinagtatrabahuhan namin.

Ilang sandali pa kaming nag uusap tungkol doon nang matapos na si Mavi ay naghanda na kami papunta sa trabaho. I wear my Bakeshop Uniform and Mavi also wear his uniform.

Nagpaalam na kami kila Xy at Haze at ganon rin kay tita Lorna. Nag antay nalang kami ng masakyan hanggang sa may dumaan na taxi kaya ayun nalang ang sinakyan namin. Dumeretso kami sa Restaurant para tignan ang restaurant at papasok rin naman na si Mavi. Sinabi ko sa Driver na antayin ako kaya mabilis nalang kaming pumasok. Ganon parin iyon at walang pinagbago. Malamang kahapon pa lang eh.

"Siguro mauna na ako?" Sabi ko.

He reached me out and pulled up hanggang sa yakapin nya ako. Ano bang ka dramahan to Mavi.

"Mamimiss kita." Bulong nito kaya natawa nalang ako.

He kissed my forehead down to my lips. Nahihiya tuloy ako dahil nakikita kami ng ibang costumers at ibang staff. Wala rin namang masama kasi sanay naman na sila. May ilan pang kinikilig pa kuno sa ginagawa ni Mavi kaya diko maiwasang mamula sa kilig.

"So, sige mauna na ako." Paalam ko kaya binitawan na nya ang pagkakayakap sa 'kin. Deretso lang akong naglalakad habang nakatingin ako sa ibang costumers na kinikilig pa. Diko na sila pinansin at sumakay na sa taxi.

Unexpected Love (Boy Love Series #1) | Ongoing Where stories live. Discover now