Chapter 8 - His True Colors

1 0 0
                                    

His True Colors

You really won't budge, huh.

Why is it so hard for him to tell me? Ano bang meron?

Tsk.

Tumango ako.

Hindi siya nagsalita. Tiningnan niya lang ako.

"I'm tired, umalis ka na," sabi ko saka humiga sa bed.

Ipinatong ko ang kumot sa katawan ko kaya hindi ko nakita kung umalis na ba siya.

Maya-maya ay narinig kong sumara ang pinto.

Inalis ko ang kumot sa akin at napatitig sa ceiling ng kwarto. The vibe itself is spooky, but the room is not actually very dark.

I'm too tired to argue with him. Halos maubos ang energy ko sa ginawa ko kanina.

Imagine healing hundreds of people.

Few minutes passed at napaidlip ako.

"Miss Silvermist?" Nagising ako nang makarinig ng sunod-sunod na katok sa pinto.

Dali dali akong nagpalit ng damit to look like a vampire, I also covered my smell.

Pagbukas ko no'n ay sumalubong sa akin ang isang waiter na nakasuot ng black na suit and tie. He's smiling wide kaya ngumiti rin ako.

Tumingin ako sa tray na dala niya at nakita ang wine glass na may lamang red liquid.

Napalunok ako.

"Is that..?"

"Oh, this is blood, ma'am. Don't worry, this isn't wine," ngumiti siya, "Someone ordered it for you."

My lips parted. Hindi ko alam kung mawiwindang ako sa part na dugo iyon ng tao o dahil may umorder no'n para sa akin.

Nagpasalamat ako at agad iyong kinuha sa kamay niya.

I closed the door and quickly placed the glass in the table, nanginginig pa.

"Who could've ordered this for me?!" sigaw ko.

Umupo ako sa bed at tiningnan ang wine glass. Kinikilabutan ako.

I shrugged my shoulders. This is so creepy!

"Did you receive my order?" halos mapatalon ako nang biglang pumasok si Magnus sa pinto.

Hindi ko siya sinagot at tiningnan lang ang wine glass na nasa table.

Tumingin siya sa akin, "They gave you blood?" iniwas niya rin agad 'yon, "Oh, right. My bad."

Napairap ako.

"Wait for me here, I'll be back," saka siya lumabas ulit.

Hihiga na sana ako ulit sa bed nang makabalik na siya.

"That fast?" I glared at him.

He shrugged his shoulders saka ibinaba ang mga pagkain na nakalagay sa iba't ibang bowls. Nakapatong sa tray.

Isa isa niyang inalis ang takip ng mga 'yon at meron pang spoon and fork.

What I noticed was all of the dishes were for humans. Immortals eat the same food.

At least we don't drink blood.

"I owe you for what you did," inabot niya sa akin ang tinidor.

Tinanggap ko iyon.

Hindi ako sumagot.

Isa-isa kong binawasan ang dishes na nandoon. All tasted good.

Bitten By His FangsWhere stories live. Discover now