Kung Mahal Mo Pa

0 0 0
                                    

Nung ako'y kumakapit.
Bakit sa iba ka dumikit?
Nung kailangan kita.
Nasaan ka?

Bakit iniwan mo ako?
Nung nasa delikado ang buhay ko.
Ikaw ang hinahanap ng aking puso.
Kahit ako ay tinalikuran mo.

Hindi ko kaya na ika'y mawala.
Kaya gagawin at ginagawa ko na ang lahat paraan.
Para ikaw ay bumalik sa aking piling.
Sabi nga nila na kung mahal mo pa ito ay iyong ipaglaban.

Pinaglaban mo ba ako?
Minahal mo ba talaga ako?
Naiisip mo kaya ako,
Nung wala ako sa buhay mo?

Mukhang alam ko na ang sagot.
Oo minahal mo ako pero puso ko ay may sugat.
Sinugatan ito ng pagmamahal mo.
Pagmamahal na ayoko ng makamtan sa iyo.

Bakit pa nga ba kita mamahalin?
Eh sinaktan mo na ang aking damdamin.
Damdamin ko na inalay lamang sa iyo.
Pero inalay mo din to sa pinakamamahal mo.

Ano pa nga ba ang magagawa ko.
Kundi tanggapin na lang totoo.
At ang katotohanan na yun ay kung mahal mo pa.
Palalayain mo na siya.

To już koniec opublikowanych części.

⏰ Ostatnio Aktualizowane: May 11 ⏰

Dodaj to dzieło do Biblioteki, aby dostawać powiadomienia o nowych częściach!

Power of PoemsOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz