Sana

2 0 0
                                    

Sana ako na lang.
Sana tayo ngayon ay nagmamahalan.
Sana ikaw at ako ay masaya na.
Bakit di kasi totoo ang SANA?

Sana di ka nagbago?
Hindi sana ang puso ko'y nabigo.
Puso ko'y bigo sayo.
Umasa kasi ako sayo.

Sayo ko kasi inalay ang puso ko.
Pero ano ang ginawa mo?
Puso ko ay sinaktan mo.
Hindi mo lang sinaktan kundi winasak mo.

Oo wasak na ako.
Dahil niloko mo ako.
Sana mabuo ko na ang wasak kong puso.
Para kalimutan ka na ng puso kong ito.

Sana ito na ang simula.
Simula ng aking buhay na wala ka.
At sana wag ka ng magpakita kailanman.
Kailanman ay di kita malilimutan.

Pilitin ko man na kalimutan ka.
Ngunit ano ang aking magagawa?
Kung pwede nga lang tanggalin ang puso ko, pinatanggal ko na.
Wag kang mag-alala pipilitin ko na kalimutan ka.  

Power of PoemsWhere stories live. Discover now