Sumuko Ka Na

4 0 0
                                    

Bakit noon kapit na kapit ka?
Bakit kung sino pa ang mahal mo siya pa ang mismong gagawa ng paraan para saktan ka?
Pero bakit mahal mo pa din siya?
Kahit alam mong niloloko ka na niya?

Niloloko ka na nga pero nagpapakatanga ka pa din para sa kanya.
Papayag ka bang saktan ka lang niya?
Lumaban ka sa kanya.
Para nang malaman niya na sinayang ka niya.

Ang isang tulad mo minamahal at di sinasayang .
Ikaw na lang ang nanatiling tapat sa inyong pagmamahalan.
Pagmamahalan niyo na marami ng pinagdaan.
Pero ito pa ba ay inyong malalagpasan?

Sumuko ka na para di ka na mahirapan.
Sumuko ka na para di ka na masaktan.
Sumuko na nga siya edi sumuko ka na rin.

Power of PoemsWhere stories live. Discover now