Ikaw Pa Rin

2 0 0
                                    

Tuwing nakakakita ako ng singsing.
Pakiramdam ko, ako ay nakakulong.
Dahil ako ay preso.
Preso sa iyong puso.

Aaminin ko ika'y pinilit kalimutan.
Pero di ko kaya na ika'y kalimutan.
Ang hirap mo pala kalimutan.
Kung madali ka lang sana kalimutan di sana ako ngayon nasasaktan.

Tuwing nakikita kita ako ay nahihirapan.
Nahihirapan tuwing ikaw ay may kasamang iba, di ko alam kung bakit ako nasasaktan.
Di mo naman kasalanan.
Kung bakit ako ay nahihirapan.

Sa tuwing tayo ay nagkakasalubong.
Tayo ay nagkaka-ilangan.
Alam kong may mahal ka na, pero wala namang masama na umasa ako.
Umasa na mamahalin mo din ako.
Dahil ikaw pa rin ang laman ng aking puso.

Power of PoemsWhere stories live. Discover now