Ere

0 0 0
                                    

Lahat ng panahon at pagmamahal ko.
Binigay ko sayo.
Bakit parang di ko napabsin?
Masama na pala ako sa iyong panginin.

Pinalalim mo muna ang sugat.
Bago mo iwanan ang puso kong wasak.
Pero bakit mo yun nagawa?
Nagpanggap ka lang ba na masaya?

Ano ba ang mga kasalanan ko?
May mga pagkukulang ba ako sayo?
Sabay tayo noong nangarap.
Sabay din tayong lumipad.

Ngunit anong ginawa mo?
Iniwan mo ako sa ere.
Akala ko imposible.
Subalit nagawa mo!

Ang sama sama mo.
Ginawa mo pa talaga ako na isang Tanga.
Paano na ngayon na walang tayo?
Magkukunwari ka pa rin ba sa harap nila?

Sige magpanggap ka lang.
Kung yan ang ikakasaya mo.
Huwag kang mag-alala
Di ako hahadlang

Malaya ka na  mahali ko.
Ayoko sana mabuhay sa mundo.
Nang walang Ikaw at Ako.
Salamat sa pagmamahalang nagtatapos sa walang TAYO.

Power of PoemsWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu