Tagpuan

3 0 0
                                    

Kaya kitang ipaglaban.
At kaya din kitang hintayin sa TAGPUAN.
Pero di ka sumunod sa ating kasunduan.
Kasunduan na tayo ay magmamahalan.

Magmahalan tayo ng wagas.
At ang ating saya na nadarama ay para bang wala ng bukas
Pero di ko alam na pagdating pala ng bukas, ikaw ay naligaw ng landas.
At sa landas na iyon ay naghihintay ang ahas.

Bakit may ahas sa daan?
Dahil ayaw niyang pumunta ka sa tagpuan.
At alam niyang hinihintay kita.
Di ka man dumating sa tagpuan, hihintayin pa rin kita.

Alam mo ba na naghintay ako sa dilim?
Sa dilim ako naghintay sayo ng taimtim.
Taimtim akong nagdarasal na sana'y dumating ka sa tagpuan.
Dumating ka nga sa tagpuan, pero may kasama kang iba, at sabi mo pa pumunta ka lang para magpaalam

Power of Poemsजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें