Hanggang dito na lang

10 0 0
                                    

Alam ko masakit ito.
Pero para rin sa atin to.
Oo alam ko na ikaw ay nagsisisi na.
Dahil sa iyong ginawa.

Ano nga ba ang ginawa mo?
Niloko mo lang pala ako.
Hindi lang isang beses di ba?
Inulit ulit mo nga pala.

Kaya ako ay susuko na.
Ayaw ko na!
Hanggang dito na lang tayo.
Wag mo ng ipaglaban ang ikaw at ako.

Parehas lang tayo na masasaktan.
Kung ito'y pilit mong ipaglaban.
Mas mabuti pa na tayo:'y magkalimutan.
Kesa patuloy tayong mahirapan.

Kung susuko ako.
At babalik din pala ako sayo.
Tatanggapin mo kaya ulit ako?
Papasukin mo ba ako ulit sa buhay  mo?

Kung sabihin ko sayo to maniwala ka kaya?
"Oo sinayang kita.
Kaya ako ay nagsisisi na.
Patawad aking mahal na pinakawalan pa kita."

Sa tingin ko.
Malabong mangyari ang gusto ko.
Dahil masaya ka na.
Sa piling ng bago mong minamahal.

Ako ang unang bumitaw.
Nung ikaw ay kumakapit pa.
Pero ako ay masaya para sayo.
Di man ako ang ihaharap mo sa altar subalit ako ay masaya, dahil nahanap mo na siya.

Power of PoemsWhere stories live. Discover now